KABANATA IV

1.1K 132 21
                                    

Pananaw ni Andrew

Tila isang panaginip para sa kanya, nang dinala ko siya sa panahon na kung saan wala pang sangkatauhan, at ang pitong kontinente ng daigdig, ay magkakadikit pa, o tinatawag na Supercontinent.

Ayon ito sa aklat na isinulat ni Alfred Lothar Wegener noong 1915, na pinamagatan niyang, On the Origin of Continents and Oceans, tinawag niya itong Pangea. Higit dalawang daang milyong taon na ang nakalilipas mula sa hinaharap.

Pananaw ng may-akda

Sa pagmulat ng mga mata nina Andrew at Bianca, nasilayan nila ang napakalinis, at napakalawak na Karagatan ng Panthalassa, na pumapalibot sa napakalaking kontinente ng daigdig sa panahong iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa pagmulat ng mga mata nina Andrew at Bianca, nasilayan nila ang napakalinis, at napakalawak na Karagatan ng Panthalassa, na pumapalibot sa napakalaking kontinente ng daigdig sa panahong iyon.

Sila ay magkayakap na nakarating sa dalampasigan. Ramdam na ramdam nila ang init ng araw sa kinatatayuang buhangin.

"N-Nas'an tayo?" tila nahihilong tanong ni Bianca kay Andrew habang nakayakap ito.

"Ito ang panahon na kung saan, wala pang sangkatauhan," mahinahong sagot ni Andrew.

Bumitiw sa pagkakayakap si Bianca, na bahagyang natatawa. Lumapit ito sa karagatan at sumigaw nang,

"Sa mga basher ko diyan, hindi n'yo na 'ko ma ba-bash dito!! At sa mga reporter diyan, dine-dare ko kayo sundan n'yo ko rito!!!" At pagkatapos ay nilanghap nito ang simoy ng hangin, at sinabing, "haayy, napakasariwa ng hangin."

Lumingon si Bianca kay Andrew, at nakangiti niyang sinabing,

"Andrew, gusto mong mag swimming?"

"Hindi maaari..."

"Bakit naman?"

"Dahil sa panahong 'to, higit na mas mataas ang tubig kaysa sa panahong pinaggalingan natin," seryosong saad ni Andrew.

Lumapit si Bianca kay Andrew at sinabing,

"Haayy, napaka KJ naman nito!"

"Sinabi nang hindi pwede, mamaya kainin ka pa ng mga malalaking isda na nakatira diyan, at hindi tayo maaaring magtagal sa panahong 'to," seryosong sabi ni Andrew.

"Haayy bakit nanaman?! Gusto ko rito, tahimik at walang tao, stress free. Dito na kaya tayo tumira?" nakangiting sabi ni Bianca kay Andrew.

"Alam mo bang maraming mababangis at malalaking hayop rito, na naglaho na sa panahon ko at sa panahon mo ha?" seryosong sabi ni Andrew kay Bianca.

𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽 Where stories live. Discover now