KABANATA XIX

547 97 0
                                    

Pananaw ng may-akda

Gabi nang nagpatawag si Bianca ng press conference sa function room ng isang sikat na hotel. Si Bianca at ang kanyang kapatid na si Ethan ay nakaupo sa harapan ng maraming reporter at photographer.

"Mr. Yap, maaari mo bang isalaysay sa amin kung papaano ka dinukot ni Mr. Rod Bautista, gabi ng ika labing siyam ng hunyo taong dalawang libo't labing siyam."

Bumulong si Ethan kay Bianca. Tinanong niya ito nang,

"Sabihin mo nga sa'kin, presscon ba 'to o hearing?"

"Basta sumagot ka na lang diyan, owkey?" bulong ni Bianca sa kanya.

"Mic test mic test... Okay game, nasa labas po ako ng condo no'n, quarter to eleven na ng gabi. Nang biglang may nagtakip ng panyo sa ilong ko mula sa'king likuran, nahilo ko sa amoy, napakarami nilang inispray na pampatulog sa panyo kaya mabilis akong nawalan ng malay. Paggising ko na lang, nasa loob na 'ko ng isang maliit na kwarto, nakatali at nakapiring ang mga mata," salaysay ni Ethan sa mga reporter habang siya'y kinukuhaan ng litrato ng mga photographer.

Agad namang sumingit ang reporter na si Becky Chupancho, at sinabi sa mic na,

"Ang katanungan ko ay para sa'yo Bianca Yap."

"Teka Becky, kami muna ang magtatanong!"
"Oo nga! Kami ang nauna rito ha!"
"Singit ka lang oy!"
"Singit! Singit! Singit!"

Reklamo ng ibang mga reporter kay Becky.

"Wala kayong pakialam kung sumingit ako! Ang basehan dito kung anong news program ang number one sa ratings, sila ang mauunang mag-tanong, at kami 'yon!" galit na sigaw ni Becky sa mga ibang reporter.

"Ang ibig naming sabihin... Mukha kang singit!"
"Singit! Singit! Singit!"

"Wala kayong pakialam kung puro hadhad ang mukha ko, mga inggitera!" galit na sigaw ni Becky sa mga reporter, "as I was saying, ang katanungan ko ay para kay Bianca Yap."

"Go ahead, please," seryosong saad ni Bianca sa mic.

"Pwede bang ma-take home 'yang kapatid mo, ang gwapo ohh! Beke nemen Ethan!" kinikilig na sabi ni Becky sa mic.

Agad namang nagsalita si Ethan nang,

"Gusto mong ma-takedown?"

"Bugbugin na 'yan!"
"Bugbugin! Bugbugin! Bugbugin!" sigaw ng mga tao kay Becky.

"Tse! Ito na talaga ang katanungan ko sa'yo Bianca Yap. Isang linggo kang hindi nakita ng madla, dahil sa pagkakadukot sa'yo ni Rod Bautista, na akala naming lahat ay isa ka ng malamig na bangkay, ngunit subalit datapwat, marami ang nagulat sa biglaang pagpapatawag mo ng press conference dito sa napakamahal na hotel na'to. Ang tanong ko ngayon sa'yo, papaano ka nakatakas sa kamay ni Rod Bautista?" seryosong tanong ni Becky kay Bianca.

𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽 Where stories live. Discover now