KABANATA VI

1K 118 9
                                    

Pananaw ni Andrew

Ang mga unang homo sapiens o modern man ay tinatayang nakarating sa Pilipinas noong 55,000 hanggang 65,000 taon na ang nakalilipas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang mga unang homo sapiens o modern man ay tinatayang nakarating sa Pilipinas noong 55,000 hanggang 65,000 taon na ang nakalilipas. Sinasabi na ang mga nanirahan sa tabon ay ang mga homo sapiens o taong tabon, halos kapareho na ng tao ang pangangatawan nila, katulad ng sa kasalukuyang tao ang kanilang mga utak, mataas ang noo, at hindi gaanong matambok, maliliit lamang ang kanilang mga ngipin, at nakausli ang kanilang mga baba. Maunlad ang kanilang mga kagamitan tulad ng lanseta o pocket knife, at mga matatalim na panghiwa.

May mga siyentistang nagsasabi na ang kanilang panahon ay panahon pa ng yelo, at paglitaw ng tulay na lupa, ito ang mga tulay na nagduktong sa Pilipinas sa ilang karatig na bansa sa timog silangang asya. Ito ang naging pangunahing dahilan sa pagpunta ng mga sinaunang tao sa Pilipinas.

Kung napuntahan ko na ang panahon nila? Oo, at 'yon ang araw na naging magkasintahan kami.

Pananaw ng may-akda

Isang napakalamig na umaga sa tabing dagat kung saan magkayakap na nakarating sina Bianca at Andrew sa panahon ng mga Homo Sapiens. Limampu't limang libong taon na ang nakalilipas mula sa hinaharap.

Unti-unti silang bumitiw sa pagkakayakap, at pinagmasdan ang mapuno at matubig na paligid.

"Napakalamig sa panahong 'to no?" wika ni Bianca habang tumitingin-tingin sa paligid.

"Baka gusto mong, makipagyakapan muli, upang uminit ang 'yong pakiramdam," seryosong sabi ni Andrew.

Muli siyang niyakap ni Bianca nang mahigpit, at natutuwa nitong sinabing,

"Haayy, ayoko nang bumitiw sa'yo, Andrew."

Napansin ni Bianca na hindi kumikibo si Andrew, at mas hinihigpitan pa nito ang kanyang yakap.

"Andrew? Magsalita ka naman," mahinahong wika ni Bianca.

"Hahanap-hanapin ko ang yakap na 'to, sa oras na magpaalam na 'ko," seryosong saad ni Andrew.

Bahagyang bumitiw si Bianca sa kanyang pagkakayakap, at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Andrew.

"Huwag na muna nating isipin ang pagbalik mo sa nakaraan, ang isipin natin, 'yung bawat sandaling magkasama tayo. Bumuo tayo nang bumuo ng mga magagandang ala-ala Andrew, 'yun lang kasi ang tanging maipapabaon ko sa'yo sa pagbalik mo," nakangiting wika ni Bianca kay Andrew habang napupuno ng luha ang mga mata nito.

𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽 Where stories live. Discover now