KABANATA XIV

642 104 14
                                    

Pananaw ni Martin

My name is Martin Joseph Pelea. I have always wanted to become an actor since I was a kid, so when I started school, I have auditioned to be in plays. In elementary school I was cast in a play but only got a small part. Most of the time, my role was to play a tree because I'm tall. Later on however, I got a supporting role, and I got good enough to land a lead role in high school.

When I graduated from high school, may mga nag-offer sa'kin na pumasok sa showbiz. Of course, I grabbed the opportunity kasi ito naman talaga ang gusto ko. Hanggang sa nakilala 'ko ng mga tao at nagkaroon ng kaunting fans dahil sa pagmo-model at mga supporting role na ginampanan ko no'n sa mga TV series, hanggang sa nakakuha ng lead role, na hindi ko naman inaasahang papatok sa mga televiewers.

Dahil sa success ng tv series na pinagbidahan ko no'n, nakaisip ang PR Executive ng network, kung saan I signed an exclusive contract ng isang magandang activity for the fans. For them to win a date with me sa isang fine dine restaurant, kinakailangan nilang bumili ng T-shirt ng tv series na pinagbidahan ko sa isang store, located sa loob ng network, at ihulog ang tag with their name sa drop box. I da-draw lots ang mga 'yon the day before the event. At ang nanalo non, walang iba kundi ang napangasawa ko, and that was our first meeting.

Gabi no'n nang nauna 'kong dumating sa kanya sa restaurant na nakasuot ng black suit. Half an hour later wala pa siya at medyo naiinip na 'ko.

"Ang tagal naman ng winner natin. She's supposed to be here by now," sabi ko sa PR Executive na nasa kabilang table lang.

Maya maya pa't may pumasok na isang babaeng maganda, curly hair, mistisa, ang sexy niya sa suot niyang red dress, kaway nang kaway sa'kin. Sa isip ko baka siya na 'yon.

Napatingin ako sa kanya from head to toe habang nakangiti siyang lumalapit sa'kin. Kaya lang may kakaiba sa babaeng 'to, dahil magkaiba ang pair ng heels niya, isang black at isang white.

"Hi Martin Pelea!" malakas na pagbati niya sa'kin na nakakabingi. Sabay yakap habang tili nang tili, "I'm so glad to finally meet you sa wakas! Dati sa screen lang kita nahahawakan, pero ngayon, hindi talaga 'ko makapaniwalang nahahawakan ko na yang katawan mo! Pwedeng papindot."

"Anong pipindutin mo?" tanong ko.

"'Yang abs mo."

"O-Okay..."

At pinindot pindot nga niya ang tiyan ko using her index finger.

"Grabe, tumigas na yung mga pandesal mo diyan, hindi mo kasi pinakain eh, ayan tuloy! Naluma na."

"Miss calm down, have a sit please," seryosong sabi ko sa kanya.

"Oo nga pala, nakalimutan ko nang umupo," sabi niya, "akin ba 'tong soup?"

Umupo siya, at biglang ininom ang sabaw without using soup spoon, at nang matapos siya, nagpunas siya ng bibig gamit lang ang mga kamay niya.

"Huy pasensya ka na late ako ng 1 hour ha, alam mo naman siguro 'yung Filipino time? Nagmadali pa ko sa lagay na 'to."

"Mukha nga, magkaiba ang pair ng shoes mo eh."

Sinilip niya sa ilalim ang mga paa niya.

𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽 Where stories live. Discover now