KABANATA XXIV

726 96 10
                                    

Pananaw ng may-akda

"Andrew!" malakas na sigaw ni Bianca sa papalayong si Andrew. "Andrew huwag mo 'kong iwan!" lumuluhang sigaw ni Bianca kay Andrew, ngunit hindi na niya ito nilingon pa, at nagpatuloy sa pag-alis, hanggang sa ito'y mawala na sa paningin ni Bianca.

Tanghaling tapat nang biglang magising si Bianca mula sa malalim na pagkakatulog. Bumangon ito mula sa pagkakahiga.

"Panaginip lang pala," aniya, "nasa'n kaya si Andrew?" tanong niya sa kanyang sarili.

Lumabas ito ng silid, at bumaba ng hagdan, tiningnan nito ang dating silid ni Andrew, ngunit wala roon ang kanyang hinahanap. Lumapit ito sa maid na naghahanda ng tanghalian sa hapag kainan.

"Manang, nakita n'yo ho ba si Andrew?" tanong ni Bianca.

"Naku ma'am hindi po eh."

Muli itong umakyat, at pumasok sa kanyang silid, kinuha nito ang phone sa table lamp, at tumawag sa numero ni Andrew.

The number you have dialed is not yet in service.

"Haayy! Nasa'n ba kasi yung lalaking 'yon?!"

Tinawagan nito ang kapatid na si Ethan, at nang sumagot ito,

"Nasa'n ka?" seryosong tanong ni Bianca.

"Mo... Mall! Nasa mall ako!" sagot ng kapatid.

"Kasama mo ba si Andrew?" nagaalalang tanong ni Bianca.

"Huh? Hindi ba nagpaalam sa'yo?" nagtatakang tanong ni Ethan.

"Anong nagpaalam? Anong ibig mong sabihin?" tanong ng balisang si Bianca.

"Bumalik na si lolo Andrew sa panahon nila," sagot ni Ethan.

Nang marinig ni Bianca ang sinabi ng kapatid, bigla na lamang niyang nahulog ang cell phone na hawak hawak, at tila ba'y maiiyak sa nabalitaan.

Samantala, kumatok sa pinto ang maid, at marahan nitong binuksan.

"Ma'am, may bisita po kayo, nasa sala po."

"Sige, magbibihis lang ako," malungkot na saad ni Bianca.

Bumaba ito at lumapit sa bisitang si Martin Pelea.

"Ikaw pala, napadaan ka," walang ganang wika ni Bianca sa bisita, at naupo ito sa harapan ni Martin.

"Pinapunta ko rito ni lolo Andres."

"Lolo Andres?" tanong ni Bianca "oo nga pala, nabanggit niya sa'kin na ikaw daw ang apo niya, how did this happen?"

Kinuha ni Martin ang paper bag sa kanyang tabi, at kinuha sa loob non ang isang frame na naglalaman ng liham na nakasulat sa baybayin.

"Dahil dito," sagot ni Martin, at ibinigay niya ito kay Bianca.

"Ito 'yung nakalagay sa magazine mo 'diba?" naluluhang tanong ni Bianca habang pinagmamasdan ang liham.

𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon