Pananaw ng may-akda
June 27, 2019
Thursday
11:30PMIpinarada ni Martin Pelea ang kanyang sasakyan sa labas ng bahay ni Bianca Yap. Kasama nito sa loob ng sasakyan si Andrew. Matapos ibaba ni Martin ang hand brake ng kotse, tumingin ito kay Andrew, at sinabing,
"Ano po bang ginagawa natin sa bahay ni Bianca lolo?"
"Babantayan natin siya," seryosong sabi ni Andrew.
"Nang magdamag?!" gulat na tanong ni Martin.
"Gagamitin natin 'tong time machine, upang mapabilis ang takbo ng oras," seryosong saad ni Andrew habang nakatingin sa hawak-hawak na time machine, "ito ang kasalukuyan sa panahon n'yo. Magtutungo tayo ngayon sa kinabukasan. Pagmasdan mo ang orasan ng iyong sasakyan."
Agad namang tiningnan ni Martin ang orasan ng kanyang sasakyan, at laking gulat nito nang makitang bumilis ang takbo ng oras.
"Wow..." namamanghang sabi ni Martin.
Hanggang sa nag-ala sais ng umaga, at biglang nagliwanag sa paligid dahil sa sikat ng araw.
Ibinalik ni Andrew sa normal ang takbo ng oras.
June 28, 2019
Friday
6:00AM"Nandito na tayo sa kinabukasan," nakangiting sabi ni Andrew.
"Parang finast-forward lang, napakahenyo naman ng lumikha n'yan lolo," namamanghang sabi ni Martin.
"Tama, maswerte ko't ako ang nakapulot ng relong 'to," nakangiting sabi ni Andrew.
"Ano na pong balak n'yo ngayon?" tanong ni Martin.
"Aabangan natin ngayon kung may kakaibang mangyayari," seryosong sabi ni Andrew.
Makalipas ang 30 minuto na paghihintay ng dalawa sa loob ng kotse, may lumapit na isang lalaking nakasuot ng puting uniform na may bit-bit na bag sa bahay ni Bianca.
"Tignan n'yo po, may lalaking lumapit sa bahay ni Bianca," nag-aalalang sabi ni Martin. Agad namang bumaba si Andrew ng sasakyan, "Lolo sandali!" pagpigil ni Martin kay Andrew, ngunit nakalayo na ito sa kanya.
Sa paglapit ni Andrew sa nakatalikod na lalaki, agad nitong hinatak ang kwelyo ng lalaki mula sa likuran papunta sa kanya.
"Sinong nag-utos sa'yo para pumunta rito ha?!?" galit na sigaw ni Andrew habang mahigpit niyang hawak ang kwelyo ng lalaki.
"Meralco po," takot na takot na sabi ng lalaki.
"Sino si Meralco ha?!?" sigaw ni Andrew sa lalaki.
"Electric company po," takot na takot na sabi ng lalaki.
"Electric?" nagtatakang tanong ni Andrew sa lalaki.
Bigla namang iniharap ni Andrew ang lalaki sa kanya, at mahigpit nitong hinawakan ang dalawang balikat ng lalaki, at galit na sinabing,
"Umamin ka sa'kin, tauhan ka ng sinasabi mong Meralco no?!?”
أنت تقرأ
𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽
التاريخية𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐬 𝐂𝐡𝐞𝐧𝐠, 𝐚 𝐥𝐚𝐛𝐨𝐫𝐞𝐫 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐩𝐚𝐧𝐢𝐬𝐡 𝐄𝐫𝐚; 𝐭𝐡𝐞 𝐲𝐞𝐚𝐫 𝟏𝟓𝟖𝟖, 𝐚𝐧𝐝 𝐡𝐞 𝐰𝐚𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐨𝐧𝐞 𝐰𝐡𝐨 𝐠𝐨𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐦𝐚𝐜𝐡𝐢𝐧𝐞 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐞𝐭 𝐊𝐫𝐨𝐧𝐨𝐬. 𝐇𝐞 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐭𝐫𝐚𝐯�...