KABANATA XI

661 99 13
                                    

Pananaw ng may-akda

Tanghaling tapat nang lumabas sina Andrew at Bianca mula sa guest room, ngunit pinagtinginan sila ng mga maid, na naghahanda ng mga pagkain sa hapag kainan dahil ang dalawang ito ay nagkapalit ng suot-suot.

"Good morning!" sabay nilang bati sa mga maid habang nakangiti pa. 

"Afternoon na po," sagot ng isang maid.

"Naku gano'n ba? Hindi na namin napansin ang oras, ang sarap kasi... Ng tulog namin ni Andrew eh, " nakangiting sabi ni Bianca sa kanila.

"Ma'am, bakit ho nagkapalit kayo ng suot ni sir?"

Agad na tinignan ng dalawa ang kanilang mga suot-suot, at gulat na nagkatinginan sa isa't isa.

"Bakit naman hindi mo ka'gad napansin?" nakangiting bulong ni Bianca kay Andrew.

"Ang sabi mo kasi lights off eh," sagot ni Andrew.

"Haayy nakakahiya talaga," saad ni Bianca, "magpapalit lang kami ng damit mga minamahal kong maids ha."

Biglang hinila ni Bianca ang kamay ni Andrew papasok sa guest room, at agad na isinara ang pinto.

Maya-maya pa't lumabas sila, at pumunta sa dining upang kumain, sa pag-upo nilang dalawa,

"Mga maids, saluhan n'yo na rin kami kumain ni Andrew dito," nakangiting sabi ni Bianca sa mga maid.

“Sige po ma'am, mauna na ho kayo ni sir, busog pa naman po kami,” saad ng maid.

Kinuha ni Andrew ang ginisang pechay, samantalang tinikman naman ni Bianca ang mainit na sabaw ng sinigang na nakahain sa hapag kainan.

"Ma'am, matanong ko lang, ba't parang napakabait n'yo po ngayong araw na 'to?" tanong ng isang maid sa kanya.

"Ano ka ba naman manang, gano'n talaga 'pag first time kong matikman ang luto mo, napakatamis nito, at malapot lapot, gusto ko 'to manang! Nakakabuhay ng laman!" 'di makapaniwalang saad ni Bianca sa maid.

"Ma'am, okay lang ho ba kayo? Araw-araw n'yo hong natitikman ang luto ko, at isa pa po, sinigang na maya-maya sa miso ang tinikman ninyo."

Bigla namang nasamid si Andrew sa kinakaing ginisang pechay, agad nitong kinuha ang pitsel na naglalaman ng tubig, at tinungga nang mabilis na tila natataranta.

"Kelan pa naging matamis ang sinigang?" bulong ng isang maid sa katabi na nagpipigil ng tawa.

"Well, gano'n talaga, damihan n'yo na lang ng sampaloc next time, owkey?" mahinahong sabi ni Bianca habang nakangiti. "By the way Andrew, I'm going to the class today, ikaw ba? Pupuntahan mo na ba 'yung store na pagta-trabahuhan mo?"

"Ahh... A-Ako?" natatarantang tanong ni Andrew.

"Yes Andrew, ikaw nga, unless may ibang Andrew dito," sabi ni Bianca.

"Oo, pupuntahan ko mamaya 'yung store, para kumadyot kumayod! Para kumayod, kumayod 'yon," natatarantang sabi ni Andrew, na pinagpapawisan na sa kanyang mga sinasabi.

𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽 Where stories live. Discover now