KABANATA XVIII

560 101 1
                                    

Pananaw ni Bianca

Makalipas ang ilang araw na pagtatago sa loob ng house, sobrang buryong buryo na 'ko, lahat ng pwedeng paglibangan nagawa ko na, nasubukan ko nang punuin ang swimming pool gamit lamang ang tansan ng soft drink, magbunot ng damo gamit ang mga daliri ko sa paa, nasubukan ko na ring maglaba sa washing machine pagkatapos patuyuin ang mga damit sa loob ng microwave, kaya naman pag-uwi ni Andrew galing sa work,

"Manang!!!" sigaw niya habang nasa sampayan, lumapit naman sa kanya si manang.

"Bakit po, sir?"

"Anong nangyari sa mga damit ko? Ba't nasunog lahat?!"

"Si Ma'am Bianca po ang naglaba ng mga damit n'yo sir..."

Nahuli ako ni Andrew na nakasilip sa kanya mula sa pintuan ng kwarto niya, kaya naman agad akong nagtalukbong ng kumot.

"Hoy babae! Bumangon ka nga d'yan, h'wag kang magtulog-tulugan!"

Hanggang sa tinanggal niya ang kumot ko.

"Hoy ano ba? Bangon sabi eh!" sigaw niya habang kinakalabit ang paa ko.

Bumangon ako na kunwari bagong gising,

"Nand'yan ka na pala, kumain ka na ba?" kunwaring inaantok na tanong ko.

"H'wag mong ibahin ang usapan, bakit nasunog lahat ng damit ko sa sampayan?"

"Ughm... Bored kasi ako eh..."

"Bored?"

"Sa sobrang inip ko rito sa house, pinasok ko 'yung mga damit mo sa microwave, akala ko kasi, matutuyo ng mabilis 'pag nilagay ko ro'n, natuyo naman 'diba? Nasunog nga lang..."

'Tapos naupo siya sa kama, halatang halata na galit siya sa'kin dahil hindi n'ya 'ko kinikibo.

Lumapit naman ako at nilambing lambing siya, niyakap yakap ko siya, hinalik halikan ko ang braso at pisngi niya habang humihingi ng despensa.

"Andrew, sorry na... H'wag ka nang magalit sa'kin, owkey? Bati na tayo ha."

Tumingin siya sa'kin, at sinabing,

"Pasalamat ka, mahal na mahal kita."

"Sabi ko na nga ba 'di mo 'ko matitiis eh," sabi ko, "Andrew, time travel naman tayo ohh."

"Time travel? Maaga pa 'ko sa trabaho bukas."

"Please... Andrew... inip na inip na talaga 'ko rito sa house, gustong gusto ko nang lumabas."

"Sa'n mo naman gustong pumunta?"

"Punta tayo sa beach!"

"Beach? Sa dagat?'

"Oo, gusto kong mag swimming sa beach!"

Hinalik halikan ko siya sa mukha para lang pumayag siya.

"Andrew, sige na, mag beach na tayo, please? Muwah! Muwah! Muwah!"

"Oo na, sige na, payag na 'ko..."

"Yehey! Mahal na mahal talaga 'ko ni Andrew ko! Akina 'yung time machine mo, bilis!"

"Bakit mo kinukuha 'yung time machine ko?"

"May nabasa kasi ako sa internet about sa Cenozoic era, 'yung panahon ng Paleogene, mas mainit kumpara sa klimang meron tayo ngayon, kaya masarap maligo sa beach nila, bukod do'n, marami pa tayong mga animals na ma-eencounter na nag-extinct na sa panahong 'to."

𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽 Where stories live. Discover now