KABANATA IX

712 107 4
                                    

Pananaw ni Ethan

Pasado alas syete na ng gabi nang makabalik kami sa bahay ni ate Bianca, bigla kong naalala si Klea, at napasabi na lang ako nang,

"Shit! May date pala kami!"

Agad akong umalis ng bahay ni ate at sumakay gamit ang motorcycle ko papunta sa restaurant kung saan kami magkikita.

Nang makarating ako r'on, agad kong pinarada ang motor sa labas, at nagmadaling pumasok sa loob. Nakita ko siya, naka head down sa lamesa, dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"K-Klea?" nanginginig na pagtawag ko sa kanya, inangat niya ang kanyang ulo, at tinignan ako.

"Ang tagal mo naman, 'yung lunch date natin, naging dinner date na tuloy," nakangiti pa rin niyang sabi sa'kin.

Agad kong hinawakan ang mga kamay niya sabay upo sa harapan niya.

"I'm really-really sorry, dahil nakalimutan kong may date pala tayo, I'm so stupid," nagsisising sabi ko sa kanya.

"Okay na 'yon," nakangiting sabi niya.

"It's not okay, mahigit anim na oras kitang pinaghintay dito, kaya magalit ka sa'kin, sampalin mo 'ko, tadyakan mo 'ko, kahit na anong gawin mo sa'kin. I deserve all of your hate, Klea," sabi ko.

Lumuha siya matapos kong sabihing kagalitan niya 'ko, pero agad niya ring pinunasan ang luha niya at sinabing,

"Alam mo mabuti pa, mag-order na tayo, gutom lang 'yan."

"Bakit ba napakabait mo sa'kin?" seryoso kong tanong sa kanya.

"Gusto mo ba talaga malaman ang totoo?" naiiyak niyang tanong sa'kin.

"Yes, please."

"I love you, Ethan," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

"As a friend 'di ba?" tanong ko.

"More than that," lumuluha niyang sabi.

Sa pagkakataong 'to, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, para 'kong na stroke sa kinauupuan ko, hindi ako makagalaw, hindi ako makapagsalita.

"Since grade 7 tayo, crush na crush na kita, hindi mo lang alam pero, parati kitang kinukuhaan ng stolen shots, sabi ko nga no'n, kahit na anong anggulo nitong best friend ko, kahit naka nganga pang matulog, ang gwapo pa rin... 'Yun pala, gwapo rin ang hanap," nakangiti niyang sabi sa'kin.

"Kala ko ba, wala tayong secrets sa isa't isa, 'yun pala, since grade 7 mo pa 'ko crush," mahinahong sabi ko.

"Natakot ako eh, baka kasi 'pag nalaman mo ang totoo, layuan mo na 'ko. At least ngayon, nasabi ko na rin sa'yo ang nararamdaman ko, at ready na 'ko sa consequences kung sakaling feel mo naiilang ka na, naiinis ka na, you can go now, Ethan," naiiyak niyang sabi sa'kin.

"No, I'm not leaving you, tutuloy ko pa rin sa'yo ang panliligaw ko Klea. No joke, and no need to pretend, dahil this time, totoo kong manliligaw sa'yo," sabi ko sa kanya.

"Pero 'di ba—"

"Listen, I don't care about my sexuality, ang mahalaga sa'kin ikaw, ayokong mawala ka sa tabi ko, hindi ko lang maamin sa sarili ko pero ang totoo... Mahal din naman kita eh, what I mean is, I'm falling in love with you."

𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽 Where stories live. Discover now