1. A Glimpse From The Past

2.4K 104 36
                                    

MIRACLE'S POV

There is only one happiness in life, to love and to be loved. Pero bakit kahit minahal niya ako pabalik, hindi ko naman ramdam?

Napabuntong hininga nalang ako. Maybe, nag-ooverthink lang ako. Masyado kong pinangungunahan ang lahat, kaya in the end- sarili ko na naman ang sasaktan ko.

Sino ba naman kasi ang hindi mapaparanoid if hindi na siya nagpaparamdam 'di ba? Three days nalang, anniversary na namin. Huling usap ko pa nga sa kanya, no'ng last week pa.

Tinignan ko 'yong phone ko kung online ba siya, pero as expected- active one minute ago na naman. Is he avoiding me? Hindi ba niya ako namimiss na kausapin?

Or baka naman, may iba na siyang kinakausap?

Napalunok ako sa thought na 'yon. Sobrang bigat sa pakiramdam. Pero naniniwala akong hindi naman siya gano'ng klase ng lalaki. Mahal ako ni Rhyss, hindi niya magagawang iwan ako.

Sakto namang tumunog 'yong phone ko. Hindi ko alam 'yong mararamdaman ko nang makita kong si Rhyss 'yong nag-message sa'kin.

Hi, pwede ba kitang makausap?

Bakit ang cold ng dating no'n sa'kin? Bakit hi lang? Bakit walang word na love?

I have something to tell you, punta ka nalang sa unit ko.

Something to tell me? Oh, baka about lang sa projects niya. Baka magpapatulong lang siya sa'kin. Pero, kakatapos lang naman ng final exam namin ha? Atsaka sa pagkakaalam ko, complete naman na siya sa requirements. Bakit naman kaya?

Gaya nang sinabi niya, pumunta ako sa unit niya. I knock on the door at lumabas do'n si Rhyss with his white shirt and black shorts. Messy rin 'yong buhok niya.

So adorable as always.

"Here, pinagluto kita ng fave mong menudo love." Nakangiti kong inabot sa kanya 'yong tupperware. Pero tinignan niya lang ako. Hindi siya ngumiti gaya nang dati niyang ginagawa.

Parang ibang tao 'yong kaharap ko ngayon.

"Let's break, Miracle."

Hindi ko alam pero bigla akong nabingi sa sinabi niya. Nanlalambot 'yong tuhod ko.

Be strong Miracle don't cry, just smile.

"Ikaw naman love, napaka-joker mo. Let's go inside, manood nalang tayo ng movie." I tried my best na hindi siya tignan habang hawak ko ang kamay niya papasok sa loob. Pero nagulat ako nang tinabig niya 'yong kamay ko, dahilan para mabitawan ko 'yong niluto kong menudo sa kanya.

"I'm damn serious. Manhid ka ba? Can't you see, I'm breaking up with you. Bakit nakangiti ka pa din?"

Nakayuko lang ako habang nakatingin sa niluto kong nagkalat na ngayon sa sahig. Ramdam ko 'yong bigat sa dibdib ko, pero pinipigilan ko lang na umiyak.

"You can't fool me, Rhyss. I know paandar mo lang 'to. Kasi 'di ba? Three days nalang, aniversarry na natin." I still manage to gave him my sweetest smile. Ayokong malaman niya na sobra akong nasasaktan.

The Miracle's Faith (COMPLETED)Where stories live. Discover now