14. Student Council Debate

672 50 8
                                    

MIRACLE'S POV

Mula no'ng last week pa nagsimula ang pangangampanya namin. Napagdesisyunan kasi ng PCU Admins na magkaroon ang bawat strand ng student council. Sa ngayon, ito na ang oras na inaabangan ng lahat— ang debate.

"Ano ready ka na?" tanong ni Kent sa'kin. Tatakbo siya bilang Vice President at kapartido ko din siya. Bale ang makakalaban ni Kent sa pwesto ng pagiging Vice Pres ay si Lev.

Samantalang ako naman? Siyempre si Blaire ang kalaban ko sa pagiging president.

"Yes, ready na ako."

Tinanguan lang naman ako ni Kent atsaka chineck ang iba naming kapartido. Nagrereview ako ng maayos kung ano 'yong sasabihin ko mamaya para mailahad ko ng maayos 'yong plataporma ko.

"Oh, Izhi? Gigil ka sa pagme-memorize diyan ha?" puna ko sa kanya habang natatawa. Hindi kasi ako sanay na seryoso siya sa isang bagay e. By the way, tatakbo siya sa posisyon na Secretary. At sa kasamaang palad, si Chard ang makakalaban niya sa posisyon na 'yon.

"May I call on the candidates for the position of president— Avengers Party and the Best Party."

Napa-sign of the cross nalang ako. Shems, nakakakaba! Ang dami kasing tao na nanonood sa'min. Last na pangangampanya na namin 'to kasi mamaya na ang botohan. Bale bukas namin malalaman ang results.

Pumunta na kami sa kanya-kanya naming podium. Si Blaire ang unang magsasalita for the opening statement.

"I'm Blaire Montes and I want to be your student council president in Stem Department. I have several ideas that are reasonable, so I hope that here.. I may be able to show you why I am deserving in this position. That's all, thank you."

Maraming nagpalakpakan kay Blaire. Well, famous siya dito sa PCU. Alam kong una palang, talo na ako 'pag kinalaban ko siya. Pero wala namang masama kung susubukan 'di ba?

"Hello everyone! I'm Miracle Faith Montes, running for your student council president! From the party of beauty, brain and talent.. The Avenger Party!" energetic kong pahayag sa kanilang lahat. 'Di naman ako nagkamali dahil nabuhayan talaga sila at nagpalakpakan din sa'kin with matching sigaw pa ng "Miracle! Miracle!"

Samantala, kitang kita ko naman sa peripheral vision ko ang pag ikot ng mata ni Blaire sa'kin, psh.

"A distinctively strong academic institution, Philippine Christian University that integrates faith, character and service are known for being best in Science and Math. Pero hindi 'yon sapat para mag-settle lang tayo do'n." Bigla naman siyang tumingin sa'kin. Nagkantsawan naman ang mga tao. "Philippine Christian University must aim to the top!"

"And to be able to do that, our party pushes to extent more events related to Science and Math kasi obviously, sinasakop ng mga subjects na 'yan ang strand na STEM. Thank you and godbless."

Karamihan sa mga tao ang sumang-ayon kay Blaire at nagpalakpakan din sa kanya. Ano ba 'yan, kinabahan naman ako bigla!

"Actually, Ms. Blaire Montes platforms are good. So vote for her." Panimula ko. Nagtawanan naman ang lahat dahil sa sinabi ko. Mas lalo namang nagsalubong ang kilay ni Blaire dahil sa sinabi ko.

The Miracle's Faith (COMPLETED)Where stories live. Discover now