25. Lapse Of The Past

875 42 4
                                    

MIRACLE'S POV

Pagtalikod ko sa kanya, hindi ko na napigilan na mapaluha. Ang hirap palang magpanggap na masaya? Gusto kong bumalik at bawiin lahat ng sinabi ko kay Lev, pero hindi ko magawa kasi ayaw kong gumulo 'yong sitwasyon.

At lalong lalo na ayaw kong makasira ng pamilya.

Si Lev ang ama ng dinadala ni Blaire. Gusto ko mang ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya, hindi kakayanin ng konsensya ko na takasan niya ang responsibilidad ng pagiging isang ama para lang sa'kin.

Bakit ba laging may sagabal sa'min ni Lev? Bakit ba hindi siya pwede na maging akin?

Taimtim akong nananalangin sa Kanya. Nakasanayan ko na rin kasi na kapag may mabigat sa puso ko, laging ang Diyos ang kinakausap ko. No'ng mga oras na 'yon ay ako pa lamang ang nandito sa simbahan, masyado kasing napaaga ang dating ko kahit mamaya pa naman ang misa.

Nang matapos akong manalangin, ramdam ko ang pagdampi ng hangin sa balat ko. Napatingin ako sa paanan ko dahil lumipad sa paanan ko ang mga papel. Dinampot ko ang isa sa mga ito at binasa.

Pink Sisters Chapel And Convent.

"Nagkalat pa ang mga papel na 'to sa simbahan," malumanay na pagkakasabi ng isang madre habang isa-isang pinupulot ang mga papel. Tinulungan ko naman siyang kuhanin ang mga 'yon.

"Salamat hija," pagpapasalamat naman nito sa'kin. Nginitian ko naman siya.

"Para saan po ang mga 'to, Sister?" curious kong tanong sa kanya.

"Ahh, namimigay kasi kami ng flyers para mahikayat ang mga kabataan para sumama sa retreat na gaganapin bukas. Sasama ka naman siguro, ano?" kalmadong tanong nito sa'kin.

"Siyempre naman po! Kung pwede nga po na makahingi sana ako ng ilang piraso ng mga papel? Para matulungan ko na po kayo."

"Ay ganoon ba? Salamat hija, pero teka ano bang ngalan mo?" tanong nito sa'kin.

"Miracle Faith po, Sister."

"Sister Theresa naman ang ngalan ko. Oh siya, mauna na ako ha? Magkita pa sana tayo bukas, paalam."

Iniwan niya sa'kin ang ilang piraso ng mga papel. Hindi ko alam pero may kung ano akong naramdaman na hindi mapaliwanag no'ng nakausap ko siya. 'Yong pakiramdam na para bang namangha ako nang makita ko siya suot ang kulay puting damit na pang madre at ang rosaryo na nagsisilbing kwintas niya.

Dama ko pa din ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ano ba ang ibigsabihin nito? Ano bang gustong iparating ng Diyos sa'kin?

Mahigpit kong hinawakan ang papel na binigay ni Sister Theresa sa'kin. No'ng una, gusto kong sumama sa retreat para lang gawing abala ang sarili ko para kalimutan na ng tuluyan si Lev. Pero hindi ko inakalang makakahanap pa pala ako ng isang dahilan na hindi ko inaasahan.

At ang dahilan na 'yon ay para mas kilalanin ang puso ko sa kung sino ang mas matimbang.

❤️ ❤️ ❤️

Maaga akong nagising dahil ngayon na ang retreat namin. Halos wala pang liwanag nang makasakay ako ng bus— inarkila ito ng simbahan para mas komportable kami sa biyahe. Kasama ko ngayon sina Izhi at Kent na mukhang inaantok pa. Samantalang ako ay hindi mapakali dahil sa excited na ako sa pupuntahan namin.

The Miracle's Faith (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon