22. Precursors Of The Truth

684 48 8
                                    

KENT'S POV

Patuloy pa din akong binabagabag ng isip ko. Ngayon na ang pangatlong araw sa klase pero hanggang ngayon, wala pa din si Miracle. Kamusta na kaya siya? I hope she's okay.

"Dalawin kaya natin si Miracle? I'm super nag-aalala na sa kanya Kent," pangungulit naman ni Izhi. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya.

"Tingin mo hindi niya na tayo iiwasan this time?" tanong ko sa kanya. Last time kasi na dumalaw kami, hindi niya talaga kami pinagbuksan ng pintuan. We tried to contact her, pero hindi niya naman ito sinasagot.

"You have the point there. E ano ng balak mo? Hayaan nalang natin si Miracle until she's okay na?"

Tumango na lamang ako. 'Yon nalang naman ang choice namin e— to wait Miracle to recover. Masyadong mahirap 'yong situation sa kanya, siguro makakatulong if she needs the time to think by her self.

"Alam mo, sobra akong naaawa sa kaibigan natin. She doesn't deserve all the judgements ng mga tao dito sa PCU. God knows how much she worked hard to be the student council president."

Napalunok naman ako dahil do'n. Matagal na akong may nalalaman, pero hindi ko alam paano ko sasabihin ang katotohanan sa kanila. May nalalaman ako, pero hindi sapat ang lahat ng 'yon para malinis ang pangalan ni Miracle.

"Oh, ba't natahimik ka?" puna ni Izhi sa'kin. Nakailang singhap ako bago ako nagkaroon ng lakas ng loob sa kanya magsalita. "Will you believe on me 'pag sinabi kong may alam ako sa mga nangyayari ngayon?"

Nanlaki naman ang mata ni Izhi at napatakip ng bibig. "Ano 'yon, Kent?"

Lumapit naman ako sa kanya at bumulong. "Nakita ko si Blaire na nagpanggap bilang si Miracle. Sinabi niya sa Giga Bytes na 'wag nang tumuloy sa concert."

Nanatili pa ding gulat si Izhi. Nakalapit pa din ang mukha ko sa kanya hanggang ngayon. Pansin ko naman ang pamumula ng mukha niya.

"Okay ka lang? Namumula ka."

Hindi magawang makatingin ni Izhi sa'kin. At talagang tinulak niya pa ako palayo. Arte talaga ng babaeng 'to kahit kailan.

"You asked me bakit ako namumula? E siyempre nagpipigil ako ng hininga ang baho mo kasi!" asar na sabi niya sa'kin. Binatukan ko naman siya.

"Ang arte mo! Sarili mo lang yata ang naamoy mo e."

"Ah talaga? Dapat sinapak mo."

Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Psh, ba't ko pa kasi nakwento sa kanya 'yon? Wala talagang kwentang pagkwentuhan ang babaeng 'to. Puro kaartehan lang ang alam e.

"Oh ano ng balak mo? Lihim mo nalang 'yan hangga't wala kang ebidensya?" biglang tanong ni Izhi sa'kin. Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Ano ba kasing dapat kong gawin? Ang hirap naman kasi kung wala akong pinanghahawakan na katibayan na totoo 'yong sinasabi ko."

Tinapik lang naman ako sa balikat ni Izhi. "You have me Kent. Naniniwala ako sa sinasabi mo. Reputasyon ni Miracle ang nakataya dito. So, shall we go to the guidance office now?"

The Miracle's Faith (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora