13. Impudence

673 50 4
                                    

MIRACLE'S POV

Sabay-sabay kaming pumunta nila Izhi at Kent para kumuha ng exam permit sa accounting office. Medyo awkward nga kasi nauna na palang pumunta sina Lev, Blaire, Julius, Trevor at Chard do'n.

Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin kay Kent. I wonder bakit 'di na siya sumasama sa kanila atsaka bakit hindi na sila nagpapansinan? Dati naman, makita pa lang nila 'yong isa't isa nagkukulitan na silang magtotropa.

Sa pagtapak namin sa loob, ramdam ko na agad 'yong tensyon sa pagitan ng mga grupo namin. Si Chard, matalim ang tingin kay Izhi. Samantalang dedma naman 'tong kaibigan ko. Maging si Lev ay sinasamaan ako ng tingin, lalong lalo na si Kent. Samantalang si Julius at Trevor naman ang may hawak sa mga gamit ni Blaire na tinatarayan din ako ngayon.

Fak, ba't ba naging ganto na?

"Tapos na ba kayo? Kasi pipila na sana kami, nakaharang kasi kayo e." Pasimple ko namang kinurot 'yong tagiliran ni Izhi. Grabe talaga ang katapangan ng babaeng 'to! Hindi ko ma-reach e.

"As far as I know, kayo ang nakaharang kaya hindi kami makaalis. Kung tumabi kaya kayo?" maarteng pahayag ni Blaire. Huminga nalang ako ng malalim at napatingin sa kanilang dalawa. Kaya tumabi nalang kaming tatlo para matapos na.

Akala ko nga okay na kaso biglang natabig ni Blaire 'yong balikat ko dahilan para bumagsak ako sa sahig. Agad naman akong tinayo ni Izhi.

"Sumusobra ka na ha!" inis na sigaw ni Izhi.

"Kasalanan 'yon ng kaibigan mo, ang laki niyang harang e," pang-aasar ni Blaire sa'kin. Mukhang nakuha niya 'yong atensyon ng mga estudyante kaya pinagbubulungan na ako at pinagtatawanan.

"Wait, medyo tama siya ha. Ang laki nga'ng harang hahaha."

"Aww, kawawa naman siya."

"Laki kasing tao e, ang taba."

Gago, sobra akong nasasaktan. Tanggap ko naman na ganto lang ako e, pero hindi naman yata tamang ipagsigawan 'yon 'di ba?

Sa mga sitwasyong ganito, dapat ipinagtatanggol ko na ang sarili ko. Dapat lumalaban ako ngayon e. Pero nasa'n na 'yong tapang ko? Bakit hindi ko maipakita? Dahil ba hindi ko na kasama si Lev sa tabi ko at na kay Blaire na siya?

"Ano Lev? Tutunganga ka nalang ba diyan? Pagsabihan mo 'yang impaktita mong girlfriend, naturingang matalino pero bastos naman ang ugali," pagtatanggol pa din ni Izhi sa'kin habang hinihintay ko naman kung anong sasabihin ni Lev.

"And why would I do that? Kaano-ano ko ba si Miracle para pagsabihan ang girlfriend ko. Wala naman din akong nakitang mali kasi totoo naman na MALAKING HARANG si Miracle sa daan."

Hindi ko na napigilan na lumuha. Sino ba namang hindi masasaktan kapag nanggaling mismo sa taong mahal mo 'yong masasakit na salita?

"Ano bang nangyayari sa'yo Lev?! Hindi ka naman ganyan dati ah! Lagi mo nga'ng kine-claim na bestfriend mo si Miracle e! Ganyan ba talaga 'pag nagkaroon ng girlfriend na demonyo? Nagiging demonyo na din!"

Izhi, please. Tama na.

"Kahit kailan, hindi ko itinuring na kaibigan si Miracle. Ano ako, tanga? Hahahaha!" Dahil sa tawa ni Lev, nagsitawanan naman ang lahat ng nasa accounting office. Nakita kong nakayukom na ng kamao si Kent, pero agad ko na siyang pinigilan na gawin 'yon.

The Miracle's Faith (COMPLETED)Where stories live. Discover now