3. Inception With Him

1.2K 81 28
                                    

MIRACLE'S POV

Ang bigat ng pakiramdam ko habang kumakain. Paano ba naman kasi 'tong si Lev, pinaalala pa 'yong break up namin ni Rhys. Ang sakit na naman tuloy ng puso ko.

Limang buwan pa lang ang nakakalipas simula no'ng nakipaghiwalay siya sa'kin, kaya natural lang naman siguro na masaktan pa din ako 'di ba? Sa limang buwan na 'yon, ang hirap para sa'kin na mag-adjust sa mga pangyayari.

Gigising ako, babangon na aasang babalik siya. Na kakatok siya sa kwarto ko at babawiin lahat ng sinabi niya. Na sasabihin niya na hindi niya kayang mawala ako kaya babalikan niya ako ulit.

Ang sakit sakit.

Ang hirap lang kasing tanggapin. Ang saya pa naman namin no'ng mga nakaraang araw. Balak pa nga namin magpunta ng Japan, kasi parehas naming gusto na pumunta sa lugar na 'yon e. Ang dami na din naming bucket lists na kailangang ma-checkan, pero wala na. Wala na siya, iniwan niya na ako.

Naalala ko no'ng pagkagising ko no'n sa ospital, tanging pangalan niya lang 'yong sinasambit ko. Akala ko no'n, nananaginip lang ako. Na hindi talaga 'yon nangyari. Na isang malaking panaginip lang ang lahat.

Pero mali ako. Kasi totoong sumuko na sa'kin si Rhys.

"Ang tahimik mo na naman."

Napatingin ako kay Lev. Hindi ko alam pero biglang nag-init 'yong ulo ko sa kanya. Tropa kasi siya ni Rhys, napa-praning ako baka spy siya sa'kin.

"Lev, I have a question for you," seryosong sabi ko. Kita ko naman sa mukha niya ang pagtataka. "Ano 'yon?"

"Bakit dito ka nag-aral sa PCU? Sa pagkakaalam ko, 'yong mga tropa mong si Rhys, sa Perpetual nag-aaral 'di ba? Bakit hindi ka gumaya sa kanila?" seryoso pa ding tanong ko.

"E sa gusto ko sa PCU e, pake mo ba?" pambabara niya lang sa'kin. Bwisit, kailan ba ako makakakuha ng matinong sagot sa lalaking 'to?

"Spy ka lang ni Rhys e. Gusto niyong malaman kung gaano ako nasaktan, tapos ano? Pagtatawanan niyo ako 'di ba?"

Nakita ko namang nagseryoso si Lev. Matalim ang titig niya sa'kin at magkasalubong 'yong kilay niya. At siya pa talaga ang may karapatan na magalit?

"Oh ba't ganyan mukha mo? Kasi totoo? Kasi nga-" Nagulat naman ako nang bigla niya akong subuan ng sandamakmak na fries sa bibig ko.

"Alam mo gutom lang 'yan, napa-praning ka na naman masyado e."

"Bsjsiwiwkwjw!" Bwisit ka talaga kahit kailan Lev!!

"Hahahahahaha!"

Inis ko namang nilunok 'yong fries. Potek, halos mabilaukan ako sa ginawa niya. Samantalang siya, ayon. Halos mamamatay na sa kakatawa. Hinampas ko naman siya ng malakas sa braso niya.

"Ang epal mo talaga kahit kailan!"

Hindi rin naman siya nagpatalo at hinampas din ako, pero mahina lang naman. "Bakit papalag ka na ba?"

Nilapit niya 'yong mukha niya sa'kin. Napaatras naman ako. Potek ba't kailangan lumapit ng gano'n? Hindi tuloy ako makapagsalita. Naubusan ako ng sasabihin dahil sa ginawa niya.

The Miracle's Faith (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon