9. Enigma

717 63 19
                                    

MIRACLE'S POV

Para akong baliw ngayon na pagala-gala kung saan. Siguro, baka tumambay nalang ako sa Expressions. Magbabasa nalang ako ng mga libro do'n kaysa naman sa mapagod ako magpagala gala dito sa mall.

Pababa ako ng escalator nang mapansin ko ang isang pamilyar na tao. Agad akong naglakad pababa para siguruhin kung siya nga 'yon, at hindi ako nagkamali dahil si, "Lev, anong ginagawa mo dito?"

Napatingin siya sa'kin. Mukhang wala siya sa mood, hindi niya man lang nga ako nginitian e. Ano naman kayang problema nito?

"Parang kanina lang ang saya mo pa ah? Ano ba nangyari?"

Nakatitig lang siya sa'kin. Mukhang ewan 'yong kinikilos niya, ang weird.

"Wala 'yon!" biglang ngiti na sagot niya. See, ang weird niya talaga. Parang kanina lang ang seryoso niya, tapos ngayon sobrang saya?

"Hindi mo 'ko maloloko sa paganyan mo Lev ah. Sumagot ka, may hindi ba magandang nangyari sa inyo ng pinsan ko?" Nako, malaman ko lang talaga na may ginawa 'tong si Blaire kay Lev, patay talaga 'yon sa'kin!

"Alam mo, ang OA mo. Tara nga, tayo nalang dalawa."

What? Kami nalang?

"Tayo nalang?" lutang na pagkakasabi ko sa kanya.

"Oo, tayo nalang magbonding. Bakit ayaw mo ba?"

Aww, bonding naman pala.

"Siyempre naman gusto!"

"E 'yon naman pala e, edi tara na!"

Ang lapit niya masyado sa'kin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakaakbay siya. Naririnig niya kaya 'yong pintig nito?

Walang mapaglagyan ng saya 'yong puso ko habang magkausap kaming dalawa. Sobrang komportable ko sa kanya. Sa inaasal nga namin ngayon, kung hindi ko alam na kay Blaire siya may gusto, iisipin kong ako 'yong gusto niya.

"At dahil bonding natin ngayon, kumanta ka dapat!" tuwang tuwa na kantsaw ko sa kanya. Nasa Imagine kasi kami ngayon.

"E pa'no kung ayaw ko?" nakangisi na sabi niya. At talagang nilapit niya pa 'yong mukha niya sa'kin.

"H-Hindi naman masama kung susubukan?" mautal-utal na pahayag ko sa kanya.

Nakakalunod 'yong mga mata niya. Habang tinitignan ko siya, hindi ko maiwasang tignan 'yong labi niya. Pinipigilan ko 'yong sarili ko na 'wag manghina dahil baka mahalata niya na naapektuhan ako, na mahalata niya na may gusto ako sa kanya.

Akala ko hahalikan niya na ako, pero na-dissapoint lang ako kasi kinuha niya lang pala 'yong songbook sa likuran ko. "Sige na nga, malakas ka sa'kin e."

Pagkatapos ng eksenang 'yon, hindi na kami nagkibuan ulit. Kung kanina ay sobrang ingay namin, ngayon naman ay halos nakakabingi kasi wala man lang nagsasalita.

Siya na 'yong nagpindot ng number na kakantahin niya. Hindi ko tuloy alam 'yong mararamdaman ko. Ang daming memories na bumalik na naman sa isip ko. Pa'no ba naman 'yong kantang pinili niya, 'yong theme song namin ni Rhyss.

The Miracle's Faith (COMPLETED)Where stories live. Discover now