17. Haven To Be With You

693 49 8
                                    

BLAIRE'S POV

I spend my time sa facial routines ko. I have no choice kasi, dapat ngayong araw magde-date kami ni love. Namula nalang ako sa thought na 'yon. Until now, 'di pa din talaga ako makapaniwala na may endearment na kami ni Lev. Hays, sayang naman ang surprise ko for him. Third monthsarry kasi namin ngayon.. at bilang sweet na girlfriend nag-effort ako para sa kanya.

Nagsulat ako ng "52 things I like the most" sa colored papers na ginupit ko ng cubes. Bawat papel, ni-rolyo ko at nilagyan ng red ribbons. Ang cute nga kasi sakto siya sa pinaglagyan ko, which is sa clear jar.

Pero 'di bale, ibibigay ko nalang 'to sa kanya sa Monday

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pero 'di bale, ibibigay ko nalang 'to sa kanya sa Monday. Mukhang lately kasi, ang tamlay ng mukha niya tapos ang putla niya. Nag-aalala na nga ako sa kanya, kasi baka super pagod siya sa pagiging vice president ng student council.

Speaking of student council, hindi pa din talaga ako nakakaget over sa pagkakatalo ko kay Miracle. Psh, mas maganda sana kung ako 'yong president e. Edi sana, hindi napapagod si Lev ngayon. Baka kung ano-anong pinapagawa niya sa love ko.

Tutal nasa topak ako ngayon, balak kong dalhan ng makakain si love. I just can't relax here nang hindi man lang nakikita si Lev ngayong araw. I badly miss him! Chineck ko 'yong phone ko if nag-reply na siya sa messages na pinadala ko sa kanya, but still no reply.

Siguro sobrang sama lang talaga ng pakiramdam niya.

Malaki kasi ang tiwala ko kay Lev. Alam ko namang he'll never hurt me kasi una palang naman, siya na 'yong may gusto sa'kin. Plus the fact na hindi niya magugustuhan si Miracle which is greatest rival ko.

I baked some cookies and cupcakes for my love. Hindi maalis 'yong ngiti sa mukha ko, ganito siguro talaga 'pag inspired ka sa lahat ng bagay. You know, 'yong parang positive vibes lang lagi.

Pumunta ako sa bahay nila Lev at nagdoorbell. Pinagbuksan naman agad ako ni Yaya Esther, siyempre kilala na ako dito bilang girlfriend niya. Although, hindi ko pa nami-meet 'yong parents ni Lev kasi busy sa family business nila.

"Yaya Esther, si Lev po?" nakangiting tanong ko sa kanya. Shems, I'm so excited to see him na!

"Ay, 'di ba kayo magkasama hija? Umalis siya kanina pa e."

Umalis si Lev?

"Akala ko po ba may sakit siya? I asked him kanina for the date, 'yon po 'yong sabi niya. Kaya nga po ako nandito because I want to surprise him and para po alagaan siya."

"Ha? Bihis na bihis nga 'yon ng umalis dito. Akala ko naman magkasama kayo."

I don't know what to react. Paano nagawa ni Lev na magsinungaling sa'kin? And why would he do that? Meron ba siyang tinatago sa'kin?

The Miracle's Faith (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon