18. A Night To Remember

707 45 6
                                    

MIRACLE'S POV

At last, nakarating na din kami sa agency. Kaso pagdating namin do'n, bigo kami dahil nasa bakasyon pala ang Giga Bytes at bukas pa ang dating nila. Buti nalang, nakapagpa-schedule na kami ni Lev para sa negotiation.

Hawak pa din niya ng mahigpit ang kamay ko. Naglalakad lang kami ngayon habang binabaybay ang daan papunta sa sasakyan namin pauwi.

"Ayaw ko pa umuwi," saad ni Lev.

"Ako din e. Gusto ko sulitin 'tong araw na 'to na kasama kita."

Alas tres na ng hapon pero hindi gano'n kainit ang panahon. Sa totoo nga niyan, sobrang mahangin ngayon e. "Punta nalang tayo sa resort ng tita ko?"

Nagulat naman ako sa suggestion ni Lev. "At sa'n naman 'yon?"

"Malapit lang 'yon dito, tutal nasa Tagaytay naman tayo e."

Hinila ako ni Lev at para kaming baliw na dalawa na tumatakbo. Natatawa nalang ako sa mga ginagawa namin e.

Madali lang naman ang naging biyahe namin. Sumakay kami ng bus papuntang Olivarez. Inabot rin kami ng ilang oras bago kami makasakay sa tricycle until nakita ko na 'yong sinasabi ni Lev na resort ng tita niya.

Ala-sais na no'ng makarating kami kaya mas lalong lumitaw 'yong ganda ng lugar. Ang presko sa mata no'ng langit. Para kaming nasa paraiso, nakakarelax 'yong surrounding. Kahit sa'n ako tumingin, ang daming puno. Idagdag pa 'yong mga view na nakakapagpakalma sa'kin.

Pumasok na kaming dalawa sa loob. Sakto namang sinalubong kami ng tita ni Lev. "Oh Lebi. Naparito ka?"

Niyakap naman ni Lev 'yong tita niya at pagkatapos ay nahihiya naman niya itong kinausap. "Ahh tita balak kasi namin magpalipas ng gabi dito? Kung okay lang po?"

Napadako naman ang tingin nito sa'kin at pagkatapos ay magiliw akong nginitian. "At sino ka naman hija? Girlfriend ka ba nitong si Lev?"

Alangan naman akong ngumiti. Hindi ko kasi alam 'yong sasabihin ko. But as my surprise, hinila ni Lev ang bewang ko papalapit sa kanya. "Opo tita. Girlfriend ko, si Miracle."

"Asus sabi na nga ba e. Alam na ba 'to ng nanay mo? Nako Lev ha, mag-ingat, bata ka pa," pangaral naman ng tita niya. Napakamot nalang ng batok si Lev.

"Pero sige dahil malakas ka sa'kin, dito muna kayo magpalipas ng gabi."

Pinakita niya sa'min ang daan patungo sa magiging tulugan namin. Habang naglalakad, hindi ko pa din maiwasan na mamangha sa ganda ng lugar.

"Ang dami na palang nagbago dito, tita."

"Marami na kasing dumadayo dito kaya kailangan mas pagandahin 'yong lugar."

Ilang minuto lang ay narating na namin ang magiging tulugan namin. Iniwan lang kami sandali ng tita ni Lev gawa ng bibigyan daw niya kami ng extrang damit para makapaligo daw kami.

"Ang cute naman dito, akala ko hindi tayo kasya," masayang sabi ko kay Lev. 'Yong design kasi ng tulugan namin, hugis tatsulok. Akala ko talaga hindi kami kakasya dahil pakiramdam ko ay maliit lang 'yong space, pero hindi naman pala.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Miracle's Faith (COMPLETED)Where stories live. Discover now