7. Embellish Play

694 61 14
                                    

MIRACLE'S POV

Hindi ko alam pero sa tingin ko, parang naging close na kami ni Kent? Ewan ko lang ha, pero kasi komportable na ako sa kanya. Paano ba naman, siya 'yong lagi kong kasama. Si Izhi kasi, si Chard ang laging sinasamahan. E hindi ko naman feel na makihalubilo dito sa loob ng room kasi pakiramdam ko, hindi ako makaka-relate sa kanila.

Dalawang linggo na din naman ang nakakalipas, pero 'yong stress ng strand na pinasukan ko, pang one year na. Sunod-sunod 'yong mga perfomance tasks, hirap lang mag-time management.

Gaya nalang ngayon, may musical play kami sa Personal Development. Grabe ang hirap ko makinig sa subject na 'yan, about stages of love ba naman kasi ang topic! E siyempre ako? Bitter!

"Wala pa tayong casts sa musical play natin. Sino ba dito ang marunong kumanta?" tanong ni JJ, siya 'yong class president namin and at the same time, 'yong napili din naming musical director ng play.

As usual, walang nagtaas ng kamay. Kahit nga ako, tahimik lang kahit alam kong marunong akong kumanta hehehe.

"Hays, sabi ko nga walang sasagot ng tanong ko. Sige, ganito na lang. Isa-isa nalang kayong kumanta sa harapan. Ikaw Blaire ang una."

Pumunta sa harapan si Blaire. Huminga muna siya ng malalim at pagkatapos ay ngumiti. 'Yong mga kaklase ko namang babae, hangang hanga sa kanya kahit 'di pa naman siya nakanta.

"Si Levi oh kinikilig!"

"Yieeeee!!"

Napatingin ako kay Levi. Tama nga sila, namumula siya. Siguro, kinikilig talaga siya kay Blaire? Ramdam ko 'yong bigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung kailan 'to nagsimula, pero unti-unti nahuhulog na 'yong loob ko sa kanya.

Siguro dahil na-attach na din ako sa kanya? Gabi gabi ba naman, magkachat kami. Minsan nga, umaabot pa ng alas dose ng gabi 'yong pag-uusap namin. 'Yong iba naman do'n sa pinag-uusapan namin e wala namang sense.

Pero ewan ko ba kapag siya 'yong kausap ko, lahat ng pinag-uusapan namin para sa'kin, may sense 'yon.

Hindi man ako halata, pero kapag kasama ko si Lev ang saya saya ng araw ko. He makes me smile kahit sa mga simpleng asar niya lang o mga corny jokes niya.

"Miracle, baka naman matunaw si Lev niyan sa titig mo," rinig kong bulong ni Kent sa'kin. Siyempre, hindi ako pahalata. Ayaw kong may makaalam na may gusto ako kay Lev. Siyempre, baka umiwas pa 'yon sa'kin. Kuntento na ako na ganito kami, 'yong as close friend niya lang.

💙 💙 💙

LEVI'S POV

"Ang dami mo talagang napapansin 'no, Kent?"

"Siyempre naman, sa'yo lang naman ako naka-focus e."

Hindi ko maiwasang tignan si Miracle at Kent na nag-aasaran. Parang kanina lang, sobrang saya ko no'ng makita ko si Blaire na nasa harapan. Pero ba't bigla yata akong nainis? Parang gusto kong sapakin si Kent.

"Yieee, kayo ni Kent ha!"

"MiraKent! HAHAHAHAHA!"

The Miracle's Faith (COMPLETED)Where stories live. Discover now