8. Jocular Moment

686 58 14
                                    

MIRACLE'S POV

Naiinis ako sa sarili ko. Ang tanga ko para magpa-uto sa sinabi ni Blaire. 'Yan tuloy, wala akong magawa kung hindi ang sumama sa date nila ni Lev. Minsan, hindi ko talaga maintindihan si Blaire e. Bakit ba ako 'yong trip niya? Inaano ko ba siya at ang init ng dugo niya sa'kin? 'Yong feeling na parang nakikipagkompetensya lagi siya sa'kin.

"Anong mukha 'yan?"

Biglang sumulpot sa tabi ko si Izhi. Himala, hindi niya kasama 'yong boyfriend niyang si Chard.

"Edi mukha pa din."

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Izhi. Naglalambing siguro sa'kin? Hahaha, namiss siguro ako.

"Hays, namiss kita Miracle! Hindi ka na sumasama sa'min ni Chard, puro ka na Kent!"

"E third wheel ako ih! Edi na-OP naman ako sa inyo?"

Biglang tumahimik si Izhi. Bumuntong hininga siya tapos bigla akong tinitigan. "Miracle, masama ba akong tao kung hihiwalayan ko siya?"

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya ngayon. Tama ba talaga ang naririnig ko? Baka chinacharot niya lang ako ha.

"Kay Chard? Bakit naman?"

"Wala, nagsasawa na kasi ako. Alam mo 'yon? Lagi nalang kaming magkasama na dalawa. Sa'kin siya lagi dikit ng dikit, kaya ang ending wala man lang siyang friends dito sa room."

"Nasasakal ka na sa kanya?"

"Sobra. Bawat kilos ko, dapat lagi siyang nandiyan. Feeling ko, ang liit ng mundo ko 'pag kasama ko siya. Minahal ko naman siya Miracle, pero nakakasakal kasi. Sobra sobra siya kung magmahal gano'n."

Tumango nalang ako sa sinabi niya. Wala akong masabi e kasi wala din naman akong experience about sa ganyan.

Hindi naman kasi ako 'yong nang-iwan e, ako 'yong iniwan.

"Ikaw bahala ka. Choice mo din naman 'yan kung bibitaw ka e. Kung sa'n ka masaya, susuportahan kita."

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Yiee, kaya love love kita Miracle ih!"

Kaya pala this days, parang iwas na si Izhi kay Chard. Well, hindi ko rin naman siya masisisi. Atsaka, wala naman ako sa posisyon para husgahan siya.

"Free ka ba mamaya? Gala tayo! Namiss ko talaga makipagbonding sayo ih."

"Ahm, ano kasi Izhi hindi kasi ako pwede. May pupuntahan kasi ako," nag-aalangan na sabi ko sa kanya. E kasi naman, ma-issue 'yan e! Baka kung ano pa isipin nito 'pag sinabi ko 'yong totoo.

"Why naman? Siguro may jowa ka na 'no? Yieeee may jowa na si Miracle!" Napasapo nalang ako sa noo ko dahil sa pagsisigaw niya. Grabe nakakahiya! Nagtinginan tuloy 'yong mga kaklase ko sa'kin, isa na din do'n si Lev na nakakunot pa 'yong noo.

"Ano ba Izhi, tumahimik ka nga. Anong jowang pinagsasabi mo diyan? Masyadong mabilis kung magco-commit ako ulit sa isang relationship 'no. Once is enough."

Hindi pa din kumbinsido si Izhi sa sinasabi ko. Pero totoo naman 'yon e. Hindi naman gano'n kadali para umenter ulit sa relationship. Siyempre, isasaalang-alang mo do'n 'yong time, effort, money tapos hindi naman sigurado kung magtatagal ba o hindi.

The Miracle's Faith (COMPLETED)Where stories live. Discover now