15. Manipulated Feelings

684 48 11
                                    

MIRACLE'S POV

Everything went well sa debate kanina. Mukhang pantay nga ang naging sagutan nina Kent and Lev sa position na vice president. Samantalang sina Izhi at Chard naman, sakto lang din 'yong naging laban nila. Although medyo nabahiran ng personal issues nilang dalawa 'yong debate gawa ng mag-ex sila tapos parehas pa silang candidates for the position na secretary.

As of now, hinihintay nalang na makaboto ang last section ng STEM para ma-calculate na kung sino 'yong mananalo. Nasa computer lab kaming lahat na mga candidates, hinihintay ang mga results.

"Na finalize na lahat ng mga boto. May I call on the Avengers Party and Best Party to come in front."

Shet, heto na 'yon! Malalaman na ang results!

Kung sino 'yong pangalan na tatawagin, 'yon ang mananalo. Bawat positions na tinatawag, halos lahat sa'min nagmula. Medyo kinakabahan tuloy ako baka ako lang 'yong hindi matawag.

"For the position of secretary, congratulations to Mr. Chard Reyes from the Best Party."

Tinitigan ko naman bigla si Izhi. Nakangiti lang siya pero kitang kita ko sa mata niya na naapektuhan siya na hindi siya 'yong nanalo.

"The winner for the position of vice president is from the Best Party again! Mr. Levi Perillo."

Mas lalong naglakasan ang mga palakpakan nang tinawag si Lev. Si Kent naman tahimik lang at walang kibo. Kinakabahan na tuloy ako. Paano kung si Blaire ang manalo? Hays.

"And finally, for the position of president. Medyo naging mahigpit ang laban sa dalawang 'to. So who will it be?"

Nagsigawan at nagkantsawan ang mga tao sa sobrang excitement. Samantalang ako, nakayuko lang at pinapakinggan ng mabuti ang sasabihin no'ng announcer.

"The winner is.. Ms. Miracle Faith Montes from the Avengers Party!"

Naghiyawan naman ang mga kapartido ko nang sabihin ang pangalan ko. Hindi ko naman mapaglagyan ang tuwa ko dahil sa naging resulta.

"Waaahh, Miracle nanalo ka!"

"Sobra kaming proud sa'yo!"

"Go Pres!"

"Wooohhhh!"

Kaya bago pa mahuli ang lahat, naglakad na ako sa unahan at nakipagkamay sa may-ari ng school. Sobrang saya ko kasi 'di ko expect na mananalo ako. Kung tutuusin, limang boto lang ang lamang ko kay Blaire kaya sobrang dikit talaga ng naging laban namin.

Kita ko naman sa peripheral vision ko si Blaire na ang sama ng tingin sa'kin. Atsaka, pansin kong may kakaiba sa mata niya. Napatingin naman ako sa katabi ko, sakto namang tumingin din sa'kin si Lev.

Fak, nakalimutan kong siya 'yong nanalo bilang vice president! Hays, sana si Kent nalang 'yong nanalo e.

"Congrats," sarcastic na pagbati ko sa kanya. Tinanguan niya lang ako at hindi na ako pinansin.

Hmp, suplado!

Hindi ko nalang din siya pinansin sa halip ay nag-focus nalang ako sa audience at nagbigay rin ng pasasalamat dahil pinagkatiwalaan nila ako sa mga boto nila.

The Miracle's Faith (COMPLETED)Where stories live. Discover now