12. Serious Talk With Izhi

674 55 9
                                    

MIRACLE'S POV

It's been a week since no'ng nakabalik ako sa unit ko. Pinipilit nga ako ni Tita Minerva na sa bahay na nila ako tumira, but I refuse. Siyempre, nando'n sina Blaire and Lev tumatambay. And balita ko nga, kilala na si Lev sa buong angkan namin bilang boyfriend niya.

As of now, nandito sina Izhi and Kent. Balak daw nila dito mag-aral kasi nalalapit na naman ang exams. Siyempre, pabor naman sa'kin na nandito sila kasi nakakalungkot kaya mag-isa.

"Hay nako, ngayon ako nagsisisi kung bakit pa ako nag-STEM!" angal ni Izhi habang nakakunot ang noo sa pagso-solve ng Basic Calculus.

"Sino ba kasing may sabi na mag-STEM ka? Hahahaha!" asar naman ni Kent sa kanya. Hindi naman ako makapagpigil na kiligin sa kanila. Ewan ko ba, may kilig something akong nararamdaman sa kanila.

Izhi and Kent for the win! Hihihi.

"Wow Kent ha, hiyang hiya naman ako sa grades mo sa Gen. Bio!" banat naman ni Izhi.

"Sus, porket diyan ka lang magaling e. Puro ka sa memorizations, pero wala namang common sense."

Nagtitigan ng masama 'yong dalawa. Nako, hindi ko maintindihan ang dalawang 'yan. Minsan naman nagkakasundo sila, tapos minsan puro asaran. 'Yong totoo 'teh?

"Nag-aasaran na naman kayong love birds, kung mag-aral nalang kayo diyan edi mas maganda pa," pagsuway ko sa kanilang dalawa. Si Izhi naman tumahimik nalang at sumimangot.

"Selos ka na niyan, Miracle?" malokong pahayag ni Kent sa'kin habang nagtataas pa ng kilay. Baliw talaga ang mokong na 'to.

"Hindi siya magseselos, Kent! As if naman na magustuhan ka niya, bleh!" asar na naman ni Izhi.

So ang ending, hindi rin sila nakapagreview. Nauwi lang sa pagbabangayan nilang dalawa, hays.

Buti nalang, no'ng last week ko pa inaral 'yong mga lalabas sa exams. Kasi kung hindi, 'di ako makakapagfocus na magreview kaloka!

"Bye, Miracle! Agahan niyo bukas na dalawa, kukuha pa tayo ng exam permit!" paalala ni Kent.

"Oo na, layas ka na dito!" asar na asar na sabi ni Izhi. Nagmake face lang naman si Kent sa kanya. He waved me a goodbye, kaya kumaway nalang ako sa kanya.

After makaalis ni Kent, agad namang sinarhan ni Izhi 'yong pinto at dinala ako sa kwarto.

Hmm, mukhang may ipagtatapat 'to sa'kin.

"Izhi, umamin ka nga."

Yumuko lang si Izhi habang yakap 'yong unan ko. Nako, sabi na nga ba e.

"Nagugustuhan mo na ba si Kent?"

Agad naman niyang sinarhan 'yong bibig ko. "Ssshh! 'Wag ka nga'ng maingay, baka may makarinig sa'yo!"

"So ano nga? Make kwento."

"E kasi Miracle! 'Di ko naman sinasadya na ma-fall sa bebe mo, huhuhu sorry talaga.."

The Miracle's Faith (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon