24. Lackluster

752 43 8
                                    

MIRACLE'S POV

Napamulat na lamang ako ng mata at halos manakit ang ulo ko. Napatingin ako sa paligid ko, wala ako sa rooftop ngayon ng building. I'm here sa unit ko habang nakahiga sa kama.

So that was just a dream?

Gusto kong paniwalain ang sarili ko na panaginip lang 'yon, pero para sa'kin totoo ang lahat ng 'yon. That angel give me hopes to live again. That God is always there for me whenever I feel worthless, hopeless and unloved.

That God is always there to heal every part of me.

I prayed and sinabi ko sa kanya lahat ng nagpapasakit sa puso ko. Taimtim akong nananalangin at tama ang anghel sa sinabi niya, gumaan ng sobra ang puso ko.

Pinahid ko ang luha sa mata ko. Humarap ako sa salamin at inayos ang sarili ko. Niligpit ko rin ang mga gamit na nakakalat sa kwarto ko then after that, I start reading the Bible.

Matagal na akong may Bible pero ni minsan, hindi ko naisipang buklatin 'yon. Upon reading the verses, napaka-overwhelming sa puso. All my worries and doubts suddenly dissapeared.

The next day, napagdesisyunan kong sumali sa youth group. Gumagawa ako ng mga hakbang para mapalapit kay God. I praised and worshipped Him will all my heart. Bawat linyang binibitawan ko sa kanta, damang dama ng puso ko.

Simula din ng araw na 'yon, naging active ako sa parish habang pinagsasabay ang pag-aaral ko. Madami akong nakaligtaan na mga lessons, pero thanks kay Izhi and Kent dahil tinuruan nila ako.

"'Yan absent pa! Oh, kamusta ka naman? Ilang araw kang hindi nagparamdam sa'min ha! Namiss ka namin!" tampong sabi ni Izhi. Nginitian ko na lamang siya.

"'Wag na kayong mag-alala sa'kin, I'm okay now. Uy, invite ko pala kayo sa youth group ha. Retreat na kasi bukas."

Napataas naman ng kilay si Kent sa sinabi ko. Mukha siyang nagtataka dahil sa mga sinasabi ko, pero hindi ko na lamang 'yon pinansin.

"Ba't parang may kakaiba sa'yo Miracle? Ako lang ba 'yon o ang weird ko lang talaga?" pahayag ni Kent na naguguluhan. I tapped his shoulder nalang.

"Ikaw talaga, ang dami mong napapansin." Nakangiti kong sabi pa din sa kanya.

"Hala akala ko ako lang 'yon? Nahalata mo din pala 'yon Kent? Parang may kakaiba sa ngiti niya e, alam mo 'yon? Parang ang gaan ng presence niya," dagdag pa ni Izhi.

Inakbayan ko naman silang dalawa. "Kayo talaga, namiss niyo lang ako e! Atsaka, gusto ko palang magpasalamat sa inyo."

Nalaman ko kasing si Kent at Izhi 'yong dahilan ng paghupa ng issue tungkol sa'kin. Sila din ang dahilan kung bakit na-suspend ng three weeks si Blaire dahil sa ginawa niyang pagsira sa concert.

Atleast, napatunayan na rin na inosente ako.

Bigla ko tuloy na-realize na every pain we are experiencing is just temporary. That pain will serve as a lesson and a chance to change to be the better version of ourselves.

God heals. God restores. God redeems. God's love is still greater than our greatest disapointment.

💙 💙 💙

LEVI'S POV

Last week ko pang nakita si Miracle na pumasok na ng school. Gusto ko siyang lapitan at makausap, pero siguro mukhang alam niya na rin naman na nakatakda ng ikasal ako kay Blaire.

The Miracle's Faith (COMPLETED)Where stories live. Discover now