6. Dauntless Courage

750 63 17
                                    

BLAIRE'S POV

Pagkadating ko sa bahay, sinalubong agad ako ng mga maids. Kinuha nila sa'kin 'yong mamahalin kong bag, then pinaghandaan pa ako ng makakain.

"Yaya, nandiyan ba si Mommy?"

"Umalis ang mama mo e." Psh, business meeting na naman ba?

Hindi ka pa ba nasanay, Blaire? Lagi namang gano'n e.

"Pinuntahan niya yata si Miracle sa unit niya? Mukhang nanakawan 'yong pinsan mo e. Kawawa nga ang batang 'yon, baka kung ano nang nangyari sa kanya. Mag-isa pa naman 'yon."

Parang nawalan ako ng ganang kumain sa sinabi ni Yaya Jade sa'kin. That moment, my heart breaks into pieces. Mahal na mahal niya talaga si Miracle kaysa sa'kin 'no?

Nagkulong nalang ako sa kwarto at humiga. Simula bata palang, lagi namang si Miracle ang magaling para kay mommy. Kahit anong talino ko, kahit ilang medals pa ang mauwi ko dito sa bahay- talo ako lagi pagdating kay Miracle.

And that's why I hate her.

Para kay mommy, perfect daughter ang pinsan ko. Kung papapiliin nga si mama kung sino ang magiging anak niya, si Miracle nga 'yong pipiliin niya e. Bata palang ako nang marinig ko 'yon mula sa kanya. Nakikipagkwentuhan kasi siya that time sa mga kumare niya, aksidente namang narinig ko 'yong usapan nila.

Lahat ng tao sa bahay? Si Miracle ang gusto. Si Miracle ang favorite. E kay Blaire kaya, sinong may favorite? Siyempre wala, and it's okay. I don't need them in my life anyway.

"Blaire, tawag ka ng mama mo. Bumaba ka daw muna," tawag ni Yaya Jade sa'kin. "Susunod nalang po ako."

Humarap muna ako sa salamin at tinignan ang sarili. You are beautiful, Blaire. Walang panama ang Miracle na 'yon sa kagandahan mo.

Bumaba na ako mula sa hagdan and as usual, sinalubong ng mga tao dito sa bahay ang pinsan ko.

"Kamusta ka na Miracle? Ayos ka lang ba?" ani Manang Lourdes.

"Hindi ka naman nasaktan, ano?" ani Mang Toryo.

"Ang laki mo na, Miracle!" tuwang tuwa na sabi ni Yaya Jade.

"Pumayat nga 'yan, Manang. Hindi yata 'yan nakakakain ng maayos sa unit niya," singit naman ng mama ko.

Wow, happy family sila oh.

"Well, well, well."

Dahan dahan akong lumapit sa kanila. Natahimik naman silang lahat. Si Miracle lang yata 'yong hindi natinag sa'kin at nakipagsukatan pa ng tingin.

"Bakit nandito siya mommy? Don't tell me, dito 'yan titira?" tanong ko kay mom. Halos mautal-utal naman si mommy dahil hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong ko.

"Don't worry, Blaire. Temporary lang naman 'to hanggang sa maayos na ulit 'yong unit ko," sarcastic na pagkakasabi ni Miracle sa'kin.

"Anak, share muna kayo ng kwarto nitong si Miracle ha?" Halos nanlaki 'yong mata ko dahil sa sinabi ni mom.

"What?! Mom, room ko 'yon. What's mine, is mine. Ayoko ng may kahati sa room!"

The Miracle's Faith (COMPLETED)Where stories live. Discover now