21. Yagiment

681 38 5
                                    

LEVI'S POV

Hindi ko na makayanan 'yong ganitong sitwasyon. Gusto kong protektahan si Miracle sa lahat ng mga nanghuhusga sa kanya, pero pa'no ko magagawa 'yon kung ako ang dahilan kung ba't siya nahihirapan ngayon?

Gagawin talaga lahat ni Blaire, kahit makasakit na siya ng ibang tao.

Ngayon, napapaisip tuloy ako kung ba't ko ba nagustuhan ang babaeng 'yon? Paano ako nabulag sa kagandahan ng isang babaeng magaspang ang ugali? Hindi man nagsasabi si Miracle sa'kin, pero malakas ang kutob ko.. kagagawan lahat ito ni Blaire.

At panahon na para putulin ang relasyong nag-uugnay sa'min.

Ginawa ko ang lahat para makaiwas kay Blaire. Matagal kong pinag-isipan ang tungkol sa bagay na 'to. Ayaw ko ng lumala pa ang sitwasyon dahil habang nakatali ako sa relasyon kay Blaire, hindi matatapos ang pagpapahirap niya kay Miracle.

Naghahanap ako ng tamang tyempo kung paano siya kakausapin, pero kada lalapit ako sa kanya ay iwas din siya. Pero this time, hindi ko hahayaan na makalayo siya. Nang makita ko si Blaire na kasama ang mga katropa niya sa cafeteria, hindi na ako nagdalawang isip na sundan siya.

"Blaire, let's talk."

Busy pa siya sa pakikipagtawanan sa mga kaibigan niya nang sabihin ko ang mga salitang 'yon. Napayukom nalang ako ng kamao nang magbingi-bingihan siya sa mga sinabi ko. Kaya gamit ang natitirang lakas ko, kinaladkad ko siya palayo sa lugar na 'yon.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao, pero wala akong pakialam sa kanila. Napupuno na ako kay Blaire, baka hindi lang kaladkad ang gawin ko sa kanya.

"Let go of me Lev! Nasasaktan ako!"

Kanina pa siya nagpupumiglas sa'kin pero hindi ko siya pinansin, hanggang sa makarating kami sa tagong parte ng PCU. Do'n ko na siya marahas na binitawan.

"Ano bang gusto mong pag-usapan? I don't have time for your chitchats Lev!" Akmang aalis na siya nang hawakan ko ang magkabilang balikat niya at isinandal sa pader.

"Blaire, leave Miracle alone."

Natawa lang siya sa sinabi ko. Para siyang baliw na natatawa. "You think I can do that easily, Lev?"

Malakas niyang tinabig ang mga kamay ko sa balikat niya. "You should have thought the consequences of your actions before cheating on me."

Napayuko ako sa sinabi niya. Yes, I did cheat on her. Pero anong magagawa ko? Si Miracle ang mahal ko at hindi na siya.

"To be honest with you, no'ng una ginamit lang naman kita for the evil plans ko kay Miracle e. Pero as the days passed by, hindi ko na rin napigilan na mahulog sa'yo."

"I don't see my worth at all, Lev. Hindi ko alam 'yong purpose ko bakit ako nabuhay, pero no'ng dumating ka.. all of that change. Alam mo bang sobrang saya ko, kasi sa unang pagkakataon— pinili ako? Pinili mo ako Lev. But what happened? Anong nangyari Lev? Anong nangyari sa'tin?"

Sunod-sunod na tumutulo ang mga luha niya. Hindi ko naman maiwasan na masaktan para sa kanya. Nakokonsensya ako. I hate seeing Blaire crying, isa siya sa babaeng pinahalagahan ako ng sobra.

The Miracle's Faith (COMPLETED)Where stories live. Discover now