23. Inscrutable Happening

709 44 8
                                    

BLAIRE'S POV

Kanina pa ako hindi iniimikan ni mommy. Nakasakay ako ngayon sa kotse pauwi ng bahay. Pinatawag kasi ni Ms. Mikate ang magulang ko para ipaalam na suspended ako sa klase ng tatlong linggo. I'm super naiinis sa mga nangyayari! This wouldn't happen kung hindi dumating ang Giga Bytes! Lalo na ang sumbungerang Izhi na 'yon!

I hate them so much!

Nang sa wakas ay nakarating na rin kami sa bahay, malakas na binalibag ni mommy pasara 'yong kotse at nauna ng pumasok sa loob. Mula kanina sa biyahe ay hindi niya ako pinapansin. Sobra akong kinakabahan kasi alam kong magagalit si mommy sa'kin, nagpipigil lang siya mula kanina.

At tama nga ako, malakas niya akong sinampal dahilan para tumulo ang luha ko.

"Wala ka na talagang kahihiyan sa pamilyang 'to 'no, Blaire?! Wala ka na talagang nagawang tama!"

Nakayuko lang ako. Hindi ko magawang makatingin sa kanya ng diretso. Mommy, ba't mo 'ko sinasaktan ng ganito?

"Bakit ba kasi nabuhay ka pa? Pasakit ka lang talaga sa ulo e. Kailan ka ba magtitinong bata ka? Bakit hindi mo gayahin ang pinsan mo?! Na kahit kailan, hindi naging pabigat sa pamilyang 'to!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sagutin siya. "Edi do'n ka na kay Miracle! Magsama-sama kayong lahat!"

Marahas namang hinila ni mommy ang braso ko. At sa pangalawang pagkakataon, sinampal niya na naman ako. "Bakit naging ganyan ka, Blaire? Lumalaki kang bastos! Hindi ka marunong rumespeto! Baka nakakalimutan mong ako ang nanay mo, anak lang kita!"

"Wow kailan pa? Parang hindi naman. Atsaka, anak mo pala ako? Akala ko kasi si Miracle 'yong anak mo e."

Nanginginig sa galit si mommy. Mas sinamaan ko naman siya ng tingin. Punong-puno ng galit 'yong puso ko.

"Sana nga Blaire! Si Miracle nalang sana ang naging anak ko. Kasi kumpara sa'yo, walang wala akong mapapala kaysa sa pinsan mo na malaki ang tinulong sa'kin."

"Edi lumabas din 'yong totoo! Si Miracle naman lagi ang kakampihan mo e. Kasi para sa'yo, siya ang pinaka the best! Magsama kayong dalawa, wala akong pakialam!"

Tatalikod na sana ako para pumunta sa kwarto ko nang biglang mapatigil ako dahil sa sinabi niya.

"Sa totoo lang, dapat nga ay magpasalamat ka pa kay Miracle. Kung hindi dahil sa kanya, hindi tayo ganito kayaman ngayon. Tinulungan tayo ng pamilya ng pinsan mo no'ng mga panahong halos magkanda-hirap tayo. Ano ba namang magkaroon ka man lang ng utang na loob, Blaire? Puro kabutihan ang ipinapakita niya, pero dahil sa makitid ang utak mo at sarili mo lang ang iniintindi mo, ganito pa 'yong isusukli natin sa kanya?"

"Hindi mo 'ko naiintindihan mommy e," pinipigilan kong hindi mautal. Ayokong bumuhos lahat ng luha ko. "All my life, puro ka nalang Miracle! Kahit anong gawin ko, si Miracle nalang lagi! Kahit anong talino ko, kahit kailan hindi ka naging proud sa'kin."

Sobra-sobra akong nasasaktan. Nagulat si mommy sa sinabi ko kasi ito 'yong unang pagkakataon na sinabi ko 'yong tunay kong nararamdaman sa kanya.

"Mas mahal mo pa nga ang pinsan ko kaysa sa sarili mong anak 'di ba? Buti pa nga si Miracle, naalala mo. Pero 'yong sarili mong anak? Heto, nanglilimos ng atensyon at pagmamahal sa sarili niyang magulang."

The Miracle's Faith (COMPLETED)Where stories live. Discover now