11. Us And It's Changes

706 55 5
                                    

MIRACLE'S POV

Nang magsara ang mga kurtina, hindi ko napigilan na mapangiti sa saya. Napa-apir naman kaming dalawa ni Lev. "Galing natin!"

Hindi ko alam pero hindi talaga matanggal 'yong ngiti sa labi ko. Agad naman kaming sinalubong ng mga kaklase ko na tuwang tuwa din.

"Hay sa wakas natapos na din ang play!"

"Ang galing niyong dalawa!"

"Picture naman kayo para remembrance!"

Tinulak naman ako ni Izhi papalapit kay Lev na pinicturan naman ng mga kaklase ko. Ang dami na sigurong shots 'yong nakuha nila, pero 'tong puso ko.. ang bilis na naman ng tibok.

"Ano guys? Celebration na ba 'to?" kantsaw naman ni Izhi. Nagsigawan naman 'yong mga kaklase ko. Mga kagulo na talaga sila hahahaha.

"Sure! Game lang ako diyan!" tuwang tuwa na sabi ni JJ. Bakas talaga sa mukha niya na natutuwa siya sa resulta ng musical play na pinaghirapan namin.

"Ikaw Miracle at Levi? Payag ba kayo, hindi dapat kayo mawalang dalawa!" kantsaw pa ni JJ. Wala naman akong nagawa kung hindi pumayag.

"Sure sasama ako! Ikaw Lev, sasama ka ba sa'min?" nakangiti kong tanong sa kanya. Sasagot na sana siya nang biglang kumapit sa braso niya si Blaire.

"Lev, sasama ka ba sa kanila? I'm planning kasi na magdate tayo ngayon?" maarteng pahayag ni Blaire kay Lev. Pansin ko nga ang pananahimik ng mga kaklase ko no'ng dumating siya e.

"Pero, Blaire.. may celebration kasi na magaganap. Kailangang nando'n si Lev," pangangatwiran ni JJ. Nakangiti pa din ako ng malawak kay Lev, umaasa kasi ako na sa'min siya sasama at hindi sa date nila ni Blaire.

Pero...

"Pass muna ako guys, priority first muna tayo."

Woah, priority first. Ano ba namang laban ko sa priority 'di ba? Siyempre, si Blaire 'yon e. Tanga ko talaga, ba't ba ako umaasa na sasama siya? Matik na si Blaire talaga ang pipiliin niya kaysa sa'kin kasi mahal niya 'yon e.

E ano lang ba ako? Kaibigan lang naman.

"So, great! It's not problem naman kung di sasama si Lev sa inyo 'di ba? Right Miracle?"

Fuck, ba't ako nasasaktan? Calm Miracle, pigilan mo muna 'yong luha mo please?

"Y-Yeah, o-okay lang naman. Enjoy your d-date."

Nalipat ang tingin ko kay Lev. Hindi siya makatingin sa'kin ng diretso, sa halip ay napayuko nalang siya. Sa hindi inaasahan, bigla nalang tumulo 'yong luha ko.

Tangina namang luha 'to, hindi nakikisama kahit kailan.

"Oh, why are you crying Miracle? Don't tell me, nasasaktan ka kasi hindi ka pinili ni Lev?"

Nagsimula na akong makarinig ng mga bulung-bulungan sa paligid. Hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol 'yong sarili ko sa kanya no'ng mga oras na 'yon. Kahit papaano kasi, umaasa ako na baka lang naman.

The Miracle's Faith (COMPLETED)Where stories live. Discover now