Epilogue

1.1K 54 8
                                    

MIRACLE'S POV

After one year..

Hindi maalis sa mga labi ng mga tao ang ngiti. Magarbo ang paligid at tila nakakamangha pagmasdan ang mga disenyo sa simbahan. Naglalakad ako sa altar, pinagtitinginan ako ng mga tao habang papalakad ako. Hindi ko naman maipaliwanag ang nadarama ko nang matanaw ang lalaking nagpapatibok ng puso ko.

Nang makarating ako sa dulo ng altar ay gumilid ako para makita ang babaeng nakasuot ng puting gown at may hawak na bulaklak sa mga kamay niya. Bawat paghakbang niya ay sumasabay sa ritmo ng musika. Bawat paghakbang niya ay siya namang pagliit ng pag-asa ko para sumaya.

At sa bawat paghakbang niya, kailangan ko ng tanggapin na mawawala na sa'kin ang lalaking minamahal ko.

Wala na yatang mas sasakit pa na makita ng dalawang mata mo na ikakasal na ang lalaking minamahal mo sa ibang babae.

Ang hirap palang makita si Lev kasama si Blaire.

"Levi and Blaire, have you come here to enter into Marriage without coercion, freely and wholeheartedly?"

"I am."

"Are you prepared to accept children lovingly from God and to bring them up according to the law of Christ and his Church?"

"I am," sabay ulit nilang bigkas.

"Since it is your intention to enter into the covenant of Holy Matrimony, join your right hands, and declare your consent before God and his Church."

Hindi maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa. Magkaharap sila ngayon habang hawak nila ang kamay ng isa't isa. Gusto kong pigilan ang kasal, pero hindi ko magawa sa t'wing napapatingin ako kay Amiel.

One year old na si Amiel, siya ang bunga ng pagmamahalan nilang dalawa. Bata pa lamang ay nakikitaan na ito ng kagwapuhan, siyempre mana kay Lev e.

They started saying conventional vows. Sumunod naman no'n ay ang pagsusuot nila ng singsing. Napayuko na lamang ako para iwasan na makita 'yong mangyayari.

"Blaire, receive this ring as a sign of my love and fidelity. In the name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit."

"Levi, receive this ring as a sign of my love and fidelity. In the name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit."

"My dear brothers and sisters, I am happy to present you, Levi and Blaire. Mr. and Mrs. Perillo!"

They seal their wedding with a kiss. Tumalikod na lamang ako at napatakbo paalis sa simbahan dala dala ang bigat sa puso ko.

Congratulations Blaire and Levi, I wish happiness for the both of you.

❤️ ❤️ ❤️

Tinuon ko ang oras ko sa paglilingkod sa Diyos. Halos ilang buwan na din ang nakakalipas magmula nang matunghayan ko ang kasal ni Lev at Blaire. Sa awa naman ng Diyos, next week lalabas 'yong final grade namin. Then after no'n, finally makaka-graduate na ako sa PCU! Aaminin ko, hindi ko masasabing tuluyan na akong nakamove-on sa nangyaring kasal ni Blaire at Levi. Pero alam ko namang maghihilom din ang sugat sa puso ko sa tamang panahon.

The Miracle's Faith (COMPLETED)Where stories live. Discover now