10. Savoring The Time

704 54 14
                                    

LEVI'S POV

Parami na ng parami ang manonood sa labas. Ang dami talagang nag-aabang ng musical play ng Kings. Nakakakaba nga e! Ngayon lang kasi ako nakasali sa mga ganto, kung hindi lang talaga para sa grades, hindi ko talaga 'to gagawin.

Halos lahat dito sa backstage, may kanya kanyang trabaho. Ilang oras nalang kasi, magsisimula na ang musical play namin.

"Ano okay na ba 'yong props, Miracle?" tanong ni JJ. Sinisigurado talaga niya na walang papalpak mamaya. Siyempre, nakakahiya 'yon 'pag nagkataon.

"Okay na JJ. Assemble na 'yong mga ilaw, nakakabit na ng maayos 'yong background. Sila nalang talaga ang hinihintay."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa kay Miracle e. Pa'no ba naman kasi, ang dumi ng mukha niya. Napailing na lang ako sa kabaliwang naiisip ko.

"Hay nako, anong oras na. Nasa'n na ba si Blaire? Siya pa naman 'yong bida tapos late siya dumating."

Woah, oo nga 'no? Ngayon ko lang napansin na wala pa pala si Blaire. Agad ko namang kinuha 'yong phone ko tsaka siya chinat.

Nasa'n ka na? Hinahanap ka na nila dito.

Offline siya, pero nagsend na ako ng message sa kanya. Sana naman makapunta na siya dito. Sayang naman kasi ang pinaghirapan naming lahat kung hindi matutuloy 'to.

"JJ, three minutes nalang daw magsisimula na! Nasa'n na ba kasi si Blaire?" nagpapanic na sabi ni Izhi. Lahat kami dito, hindi alam ang gagawin. Napapaiyak na nga lang si JJ dahil sa sobrang pressure.

"Diyos ko, ba't ngayon pa 'to nangyari."

Tahimik kami lahat, iniisip kung ano ang gagawin. Hinihintay pa din namin si Blaire, pero one minute nalang magsisimula na ang play.

"Ako na ang sasalo sa role ni Blaire."

Napatingin kami kay Miracle. Potek, sigurado ba siya? Wala siyang practice, bukod do'n ay hindi naman niya alam kung pa'no kumanta?

"Sigurado ka Miracle? Marunong ka ba kumanta? Saulo mo ba ang lines ni Blaire?" sunod sunod na tanong ni JJ sa kanya.

"Ako na ang bahala, magtiwala kayo sa'kin."

Pagkatapos sabihin ni Miracle 'yon, agad namang kumilos ang mga kaklase ko na ayusan siya. Tulong tulong ang lahat sa pagsusuot sa kanya ng costume at linisan siya.

Ilang saglit pa, lumabas na ang mga kaklase ko para sa first scene. Nakapila na din sa backstage ang mga kakanta ng Human Heart para sa opening salve.

"And now, let's all witness the different story of love as the Stem Kings present our musical play- Le Spectacle De L'amour!"

Lumabas na si Miracle at Kim para sa susunod na scene. Sa part na 'to, pinapakita ang pagmamahal para sa kaibigan.

"Are you out of your mind? Can't you see how rich you are? We can't be friends anymore."

Namangha ako sa ginawang pag-acting ni Miracle. Kanina niya lang kinabisado 'yong lines, pero wala man lang bakas ng kaba sa pagsasalita niya.

The Miracle's Faith (COMPLETED)Where stories live. Discover now