The One That Got Away

512 23 8
                                    

Vice's POV

"Pangako yan, Jackie. Pag sinagot mo ako, hindi kita sasaktan."


Narinig kong sabi nung Tom. Pareho silang nakaupo sa bench nun sa ilalim ng puno kung saan kanina pa ako nakasandal habang nakatalikod sakanila. Nasa may quadrangle yun ng University na pinapasukan namin.







"Parang tanga ampucha. Di daw sasaktan."







Bulong ko sa sarili ko na kanina pa inis na inis sa naririnig kong usapan nila. Humalukipkip ako at tahimik lang na nag-antay sa isasagot ni Jackie.








"Hindi kasi talaga ako pwedeng mag-boyfriend pa eh. Magagalit nanay ko, tatay ko, mga kuya ko tsaka aso namin. Bawal. Bawal talaga."









Narinig kong sabi ni Jackie na agad nagpangiti saakin. Hindi ko man nakikita eh alam kong natatawa na din si Jackie sa sinabi niya.








"Eh bakit naman? 18 ka naman na di ba? Or baka naman boyfriend mo kasi yung lalakeng palagi mong kasama? Yung mukhang gang--"









"Mukhang ano?"







Putol ko sa sasabihin niya bago ako lumabas mula sa pinagtataguan ko. Napatingin sila saakin. Natatawang tinapunan ako ni Jackie ng tingin at sinenyasan na itigil na ang plano ko. Pero hindi ko siya pinansin. Tinignan ko ng masama si Tom bago naglakad papalapit sakanila.









"Hindi. Ano kasi. Ahhh. Ay! May pasok pa pala ako, text kita mamaya Jackie! Bye!"










Pinagpapawisan at kabadong kabadong biglang tumayo ito at nagmamadaling isinukbit yung backpack niya bago halos mapatid siya sa pagmamadaling maglakad.








"Siraulo ka talaga eh."







Sabi ni Jackie na natatawa pero pailing iling. Tumawa lang ako ng malakas bago umupo sa tabi niya sa bench. Inilagay ko yung isang braso ko sa sandalan ng bench bago siya hinarap.








"Jusko naman, sasagutin mo ba yung ganun ka-lame na lalake? Tsk."









Biro ko sakaniya na nagpairap lang sakanya. Napangiti ako. Bakit kasi kahit yung mga simpleng bagay lang, yung irap lang na wala naman dapat kakwenta kwentang mapansin eh naku-cute-an pa ako. Palihim akong napailing.










"Binasted ko na nga di ba? Tsaka teka nga, tatay mode ka nanaman eh. Pakealamero ka."











Kunwari naiinis na sabi niya saakin. Isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya kagaya ng palagi kong ginagawa pag magkasama kami. Normal na normal nalang saamin yung ganito. Naramdaman kong isinandal din niya yung ulo niya sa ulo ko kaya napangiti ako.











"Happy monthsary."










Sabi ko na nagpatawa lang sakaniya.





"Monthsary mo mukha mo, Vice. Ayan ka nanaman sa kalokohan mo."










Natatawang sabi niya. Napasimangot naman ako sa isinagot niya pero hindi ko pinahalata. Ikinawit ko nalang sa braso niya yung isa kong kamay na parang bata.









"Napakadamot mo naman. Batiin mo ko ng happy monthsary din. Sige na kasi, Jackie."








Sabi ko bago tumawa ng malakas at umayos ng upo para matignan siya. Tawang tawa naman siya sa sinabi ko na may kasama pang paghampas sa braso.









PlaylistWhere stories live. Discover now