Hindi Tayo Pwede

260 10 12
                                    

Vice's POV

Susuray suray akong pumasok sa dorm namin ni Tom dahil sa kalasingan kasunod ang susuray suray ding si Tom na wasted din kagaya ko.

Saturday night at napasubo nanaman kami sa inuman dahil nagkaayaang mag bar ang tropa. Halos hindi na marating ni Tom yung kama niya na nasa opposite side ng kama ko kaya naman inalalayan ko nalang siya pahiga doon bago ako pa bagsak na humiga sa sarili kong kama.




Agad akong nakatulog.





"Shhh! Wag kang maingay, tulog pa si Vice."

Naalimpungatan ako sa dalawang boses na nagbubulungan mula sa kabilang kama. Alam na alam ko na kung sino at anong nangyayari. Agad akong tumalikod at nagtalukbong ng comforter para subukang wag marinig yung mga susunod na mangyayari.






As usual may sumunod nanaman babae o baka pinasunod nanamang babae tong si Tom. Hindi na talaga nadala. Kahit bestfriend ko siya ay hindi ko pa din naman siya pinapalampas sa mga ganyan niya.

Pero mas madalas talaga eh wala akong magawa. Bumuntong hininga ako bago sinubukang bumalik sa pagtulog pero dahil sa ingay nung dalawa sa kabila eh bigo ako. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pag iisip ng tungkol sa Human Anatomy kung saan kami may quiz sa lunes.









"Punyeta ka talaga. Nagdala ka nanaman ng babae dito. Tsk. Tapos ang ingay niyo pa!"

Asar na sabi ko kay Tom sabay bato ng unan sakaniya nung makaalis na yung babaeng sumunod dito. Tatawa tawa lang siya habang nagsusuot ng sando bago humiga sa kama niya at hinagis pabalik saakin yung unan ko.




"Tsk. Akala ko naiwan sa Davao yung nanay ko. Bakit parang andito naman ngayon."

Nangaasar na sabi pa niya saakin bago hinablot ang cellphone niya mula sa side table at parang may tinext bago nagkumot na parang matutulog na ulit.

Hinablot ko din yung cellphone ko mula sa side table ko at binasa yung mga text messages ko. Napakunot noo ako dahil sa isang unknown number na nagtext saakin.

Unknown Number:

Hi. Kamusta na?

Ni hindi manlang nagpakilala. Sino ba to. Rereplyan ko na sana pero biglang nagring yung phone kaya hindi ko na naituloy pa.





"Huy. Tom, tinawagan na ako nung jowa mo. Ano na?"

Sabi ko. Napalingon lang siya saakin bago nagkibit balikat. Tsk. Alam ko nanaman ang kailanga kong gawin, natural, pagtatakpan ko nanaman siya. Igagawa ko nanaman ng dahilan para hindi pumunta sa meeting place nila.





Nagtext ako kay Sab bago ko sinamaan ng tingin si Tom. Nung una iniintindi ko siya pero ilang taon na ang nakakaraan mula nung magbreak sila ng first love niyang si Jackie pero hanggang ngayon ganito pa din sita umasta.






"Kung gaganyanin mo din naman. Bakit hindi mo pa hiwalayan? Kinukunsinti kita, kahit hindi dapat kasi baka matauhan ka ng kusa, pero sobra na."

Seryosong sermon ko na hindi naman niya pinatulan. Bumuntong hininga lang siya bago tumayo at hinablot yung twalya niya na nakasabit sa headrest ng kama.






"Pag sila yung mananakit ayos lang? Pero pag tayo na, mali na?"

Mejo inis na sabi niya saakin. Napailing nalang ako sa sinabi niya at hindi na sumagot pa. Pinanood ko siyang naglakad papasok ng CR hanggang pabalibag niyang sinara yung pinto. Napabuntong hininga nalang ako.







PlaylistWhere stories live. Discover now