Will You Ever Learn

199 9 12
                                    

The other side of the coin.
In relation to the previous story, para fair naman kay Jackie. Alamin natin yung kwento sa POV niya. Hahahaha.

Diba, love? Yes? Yes.
---------------------------

Jackie's POV

Dalawang oras na kaming naghihintay sa labas ng simbahan pero walang bride na dumating. Nagkukumpol-kumpol na sa labas yung mga abay at yung groom na mejo agitated na.

"Brad, mag relax ka muna. Baka may nangyari lang. Sandali tatawagan ko."

Yung bestman yun. Tinapik niya sa balikat yung groom bago tumalikod at nagdial sa phone.

Mejo kinakabahan na din ako kasi parang hindi na talaga darating yung bride. Ilang beses na din naman namin naexperience yung ganito pero ang bigat nung ngayon kasi nakasama namin sila mula sa planning hanggang nung pre-nup.

"Pst! Jackie, palagay ko di na darating yung bride. Pack up na tayo. Halika na."

Bulong saakin ng kaibigan kong si Tom na siyang kasama ko sa sideline na to. Kumukuha lang kami ng isa or dalawang racket every month, minsan nga isa lang dahil busy din kami sa kanya kanya naming office work at hobby lang talaga namin ang photography.

"Palagay ko nga din. Sige na, mauna na kayo nila Nikko. Susunod na ako. May balance pa sila eh."

Bulong ko naman pabalik. Tumango lang siya bago umalis at nag-ayos na ng mga gamit na sinet-up namin kanina. Wala naman talaga akong balak singilin pa si Vice sa balance na yun. Gusto ko lang malaman na okay siya.

Ilang grooms na din ang nakita kong hindi sinipot pero ewan, iba lang kasi si Vice. Masyadong mabait? Baka nakita ko lang kasi kung gaano niya kamahal yung babaeng ihaharap sana niya sa dambana ngayon pero mukhang wala ng plano pang dumating.

At tama nga ako. Hindi dumating nag bride. Nagsi-alisan na yung ibang guest at abay pero naiwan yung bestman at ako. Naghihintay lang sa labas habang nasa loob ng Church yung groom. Ilang oras ang lumipas pero mukhang wala pa ding balak lumabas.

"Ano ba kasing pakialam mo dun, Jackie?"

Pabulong bulong kong tanong sa sarili ko habang naglalakad papasok ng simbahan. Dahan dahan para hindi mapansin. Inabutan ko si Vice na nakaupo sa second row at nakaharap sa dambana. Nakatitig lang sa kawalan.

Hindi ko alam kung bakit pero dahil mejo makealamera mode ako nung mga oras na yun ay lumapit ako sakaniya. Hindi ko alam kung anong sasabihin kaya sinabi ko nalang yung unang bagay na pumasok sa isip ko.

"Sir, isasara na yung simbahan."

Sabi ko bago nakangiting umupo sa tabi niya. Sinamaan niya lang ako ng tingin. Halatang hindi talaga maganda ang mood. Sabagay nga naman, sino ang hindi sasama ang mood sa nangyari? Bumuntong hininga nalang muna ako.

"Sino ka ba?"

Tanong niya saakin. Napalingon ako sakaniya bago nag smile. Ilang buwan akong kasama sa mga pictorials pero di ako naaalala, gara din eh. Pero pinalampas ko nalang.

"Sir, isipin mo nalang mas nakatipid ka. Imagine, pano kung natuloy yung kasal tapos biglang ayaw din pala niya? Eh di mapapa-file ka pa ng annulment nun?"

Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun pero napansin kong parang napakunot ang noo niya sa pagiisip bago saglit na umiling at tumayo na paalis. Hinintay ko na makalayo siya ng kaunti bago ako sumunod.

After a week, pinagtagpo ulit kami sa isang dive bar malapit sa office na pinagtatrabahuan ko. Friday night at mejo jam packed pero alam ko na siya yun. Nakaupo sa isang sulok, still wearing his steel gray suit pero wala ng tie. Mejo magulo ang buhok at halatang hindi pa din naka-move on.


PlaylistWhere stories live. Discover now