The Fault In Our Stars

289 12 4
                                    

Vice's POV

Ilang minuto na akong nakapark sa harap ng gate ng bahay nila Jackie at mejo naiinis na ako sa katagalan ng babaeng yun. Kahit kelan talaga. Napailing nalang ako bago nilakasan yung volume ng car stereo.

Pero ilang kanta na ang lumipas ay wala pa ding Jackie na lumabas ng gate. Inis kong kinuha yung phone ko mula sa bulsa ko at dinial yung number niya, madali kong nagawa yun dahil nasa speed dial naman. Ang important niya no, eh tropa lang naman ang tingin niya sakin.






Tatlong ring ang dumaan bago niya sinagot yung tawag. Tila nagmamadali at aligaga ang boses.



"Palabas na po! Ito na lalabas na ng pintuan ng bahay, naglalakad na papunta sa gate, palabas na ng gate!"



Sabi niya kasabay ng pagbukas ng gate ay paglabas niya mula doon. Napabuntong hininga nalang ako kasunod ng pagbaba ng call. Naiinis ako kanina sa katagalan niya pero ngayon naiinis na ako sa sarili ko.






The mere sight of her makes me forget that I am even mad at her for making me wait.






Nagmamadali niyang binuksa yung pintuan sa likod at hinagis lang basta doon yung dala niyang backpack bago pumasok at umupo sa tabi ko. Ngumiti siya sakin ng pagkaganda-ganda na akala mo eh walang ginawang kahit anong nakakainis.




Mas lalo naman akong nainis dahil wala nanaman akong nagawa kundi mapangiti nalang. Napailing ako bago pinaandar ang sasakyan.







"Ang tagal mong nag-ayos. Tapos wala namang pinag-iba."

Biro ko sakaniya habang palabas kami ng subdivision nila. Mahinang suntok lang sa braso ang naging sagot niya bago humalukipkip at sumimangot kunwari.






"Eh ikaw nga, ganyan na nga itsura mo tapos di ka pa ata naligo. Mahiya ka naman sakin."

Ganting biro niya na nagpatawa lang saakin. Itinaas ko ang kanang kamay ko at kunwaring inamoy yung kilikili ko bago natatawang sumagot.





"Kahit amuyin mo pa. Naligo ako kanina kahapon lang hindi kasi malamig."

Biro ko. Natawa naman siya ng slight bago ako tinignan habang nakangiti. Nagbawi naman kaagad ako ng tingin dahil bigla akong naconcious sa ginawa niya. Feeling ko namumula yung mukha ko sa magkahalong hiya at kung ano pa.






Sa lahat lahat naman kasi ng magugustuhan, kaibigan ko pa mula pagkabata.






"Saan tayo? Saan mo nanaman ba ako dadalhin?"

Sabi niya bago binaling ang atensyon sa daang tinatahak namin. Excited naman akong napatingin sakaniya pero hindi kaagad sumagot. Alam kong ayaw na ayaw niya ng surprises, ayaw na ayaw niya ng binibigla siya. Pero kabaliktaran naman ako, dahil gustong gusto ko ng nambibigla. Natawa ako ng kaunti bago ko naramdaman na sinuntok nanaman niya ako sa braso pero this time mas malakas na.






"Biseral!!! Sinasabi ko sayo pag hindi mo sinabi bababa ako ng kotse mo!"

Mejo napipikon nang sabi niya na lalo lang nagpatawa saakin. Kaunti pa maiinis na to ng tuluyan tapos buong byahe niya na akong hindi kikibuin hanggat hindi ko siya sinusuhulan ng pagkain. Nilingon ko siya, kunot na kunot na ang noo niya at masama na ang tingin saakin.






"Isa!"

Sabi niya sabay kurot sa braso ko ng pinong pino na nagpasigaw naman saakin sa sakit. Pero imbes na mainis ay tinawanan ko lang siya. Ang cute niya kasi pag naiinis. Namumula yung mukha niya tapos naka-pout yung mga labi. Pero yun na ang magic word.






PlaylistWhere stories live. Discover now