Pagtingin

256 9 6
                                    

"Bakit ba ayaw mo pa kasing aminin eh."

Sabi ni Vhong sa kaibigang si Vice sabay akbay pa rito. Nakaupo sila noon sa rooftop ng inuupahan nilang bahay sa loob ng University campus habang nag-iinuman dahil huling araw na nun ng exams nila.

"Ang alin nanaman ba?"

Nakakunot ang noong baling ni Vice kay Vhong bago pasimpleng itinaob ang hawak na cellphone na pasimple namang sinisilip ng huli.

Bahagyang natawa si Vhong bago mahinang pinat ang balikat ni Vice.

"Hay naku, Viceral. The truth will set you free!"

Sabi nito bago kumuha ng dalawang bote ng beer mula sa isang malaking bucket na punong puno ng yelo na nasa gitna nila.

Maingay ang music pero dinig na dinig ni Vice ang bawat salita. Napailing na lang siya sa kaibigan kasunod ng pag tunog ng cellphone niya. Sinilip niya yun at ganun din ang ginawa ng mejo tsismoso niyang kaibigan.

Si Jackie.

Napatingin siya kay Vhong na nauna na rin palang nakatingin sakaniya habang nakangisi ng nakakaloko. Inabot nito sakaniya ang isang bote ng beer na siya namang kinuha ni Vice.

"Sagutin mo na yan. Nahiya ka pa."

Natatawang sabi ni Vhong bago nginuso ang nagriring na telepono ni Vice. Pailing-iling at natatawang tumayo si Vice mula sa kinauupuan niya bago sinagot ang tawag ni Jackie.

"Tss. In denial."

Mahina pero narinig niyang sabi ni Vhong na noon ay sinusundan siya ng tingin habang nakangiti.




Vice's POV

Okay fine.

Nagets ko naman kung ano yung gustong tumbukin nung kaibigan kong pakialamero ng kaunti.

Siguro hindi ko lang sigurado nung nakaraang mga buwan pero ngayon, it hit me.



Siguro nga.


Siguro nga gusto ko si Jackie.



Wait. Hindi.


Hindi siguro.


Sigurado ako, gusto ko si Jackie. Hindi ko alam kung kailan at kung paano nagsimula pero sigurado ako, gusto ko siya.


Gustong gusto ko siya.



"Huy! Vice! Nakikinig ka ba?"

Napukaw ng boses ni Jackie ang pansin ko. Kausap ko nga pala siya sa telepono. Agad kong pinagana yung utak ko para piliting alalahanin kung ano yung pinaguusapan namin.



"Oo naman, no."

Maikli kong sagot to buy time dahil hindi ko talaga matandaan yung huli niyang sinabi dahil hindi ko naman talaga narinig.

Napasapo ako sa noo ko habang palakad-lakad sa hallway ng bahay namin. Dumadagundong ang music sa taas kung saan full blast na yung party.

Buhay na buhay na yung gabi.


"Sige nga. Anong sinabi ko?"

Mejo natatawang hamon ni Jackie saakin. Napalunok ako ng kaunti bago natawa ng kaunti.

Huminga ng malalim bago sumagot.



"Okay, fine. I missed the last part. Pwedeng pakiulit?"

Natatawang sabi ko. Narinig kong exaggerated na bumuntong hininga yung kausap ko sa kabilang linya bago pa napa-"tsk".



"Sino nanaman ba iniisip mo? Sus naman. Ilang weeks ka nang ganyan, nahahalata ko na."

PlaylistWhere stories live. Discover now