Tequila

290 12 6
                                    

Jackie's POV

"Jackie! Isa pa!"

Mataas ang energy na sigaw ni Madc habang nasa harap kami ng bar counter ng isa bar sa Manhattan. Ilang araw nalang at uuwi na kami sa Pilipinas kaya naman ineenjoy namin ang bawat minuto namin dito. Sumenyas ako sa bartender para bigyan pa kami ng isa pang round ng scotch on the rocks. Hindi ko alam kung bakit sa dami ng cocktails eh mas pinili ng kasama ko ang uminom ng hard on the rocks.



Dumating ang dalawang baso ng scotch pero pag lingon ko ay wala na yung kasama ko. Napabuntong hininga ako ng malakas dahil mukhang wala na talaga sa tamang katinuan yun. Lasing na. Sinubukan ko siyang hanapin sa tidal wave ng mga tao na nasa loob, kung bakit naman kasi ngayon pa namin naisipang pumunta dito.






"Tsk. Bahala ka ngang babae ka. Hindi ako kumuha ng PhD para maging nanny."

Bulong ko sa sarili ko bago tuluyang sumuko sa paghahanap sakaniya. Umupo nalang ako sa isang stool sa harap ng bar counter at tahimik na uminom.

Sawakas, malapit na din kaming umuwi after all these years.




Napangiti ako sa sarili ko. Akala ko talaga hindi ko kakayaning malayo sa pamilya ko. Sobrang attached kasi talaga ako sakanila mula pa pagkabata, kaya naman hindi din nila maisip kung bakit ko naisipan na mag-aral dito.






"Hi, miss. Are you here alone?"

Maya maya ay sabi ng isang lalake na bagong dating. Tinignan ko siya, pogi naman. Clean shaved, blue eyes at maayos ang suot na damit. Ngumiti ako bago umiling.

"I'm with a friend. I'm just not sure where she is."

Natatawang sabi ko. Napangiti naman yung lalake bago tinignan ang dalawang baso ng scotch na nasa harap ko. Natawa ako at umiling ulit.


"No, this one's my friend's drink."

Natawa din siya. Itinulak ko papunta sakaniya yung isang baso ng scotch bago itinaas yung hawak ko para makipag cheers. Kinuha naman niya yung baso na nasa harap niya and clinked glasses with me.



"I'm Ben."

"Jackie."

Pakilala namin sa isa't isa bago nag shake hands. Saglit pa kaming nagkwentuhan ni Ben at nung maubos na yung alak sa harap namin ay nalaman ko na din na isa siyang doctor sa isang malaking Hospital sa New York at tumawid lang sa Manhattan para dalawin ang parents niya.



"Hey. I owe you a drink. So what's your poison?"

Sabi niya. Saglit akong nag-isip bago napadpad ang mata ko sa isang pamilyar na bote. Napangiti ako bago sumagot.



"Tequila."

Sumenyas agad siya sa bartender na agad ding nagbuhos ng tequila shots. Tinitigan ko yung baso na nasa harap ko. May lime slices na binigay yung bartender saamin.


"Cheers!"

Sabi ni Ben. Itinaas ko din yung baso at sabay namin ininom ng straight kasunod ng lime. Napangiwi ako sa magkahalong init at pait na hatid ng alak na yun pero kasabay ng pag guhit nun sa lalamunan ko ay ang pagbalik ng mga ala-ala.

Ala-ala ng isang taong naging dahilan ng saya at ng lungkot ko sa buhay.

2 years ago....

Maingay ang music sa loob ng isang bar kung nasaan kami ni Madc. Kakabukas lang ng school year nun at madaming mga studyante ang nagcecelebrate ng pagbabalik nila sa University. Kasama na din kami dun na mga newbies and freshies.

PlaylistWhere stories live. Discover now