12:51

257 13 14
                                    

Para sa maganda kong kakilala at sa lahat ng mga brokenhearted jan na nagbabasa pa din ng old convos and/or text messages.

Tanggapin na natin. Di na sila babalik.

Charot. HAHAHAHAHA.

-----------------------------

Vice's POV

Muli kong binalingan yung orasan na nasa ibabaw ng side table ko.

Alas dose na.


Mali.


Alas dose nanaman at hindi pa ako tulog. Kanina pa ako pabaling baling sa higaan at hindi mapakali. Kanina pa din ayaw huminto ng isip ko sa pag faflash back ng mga memories namin. Pumikit muna ako ng madiin para sana lunurin yung mukha niyang kanina pa sa utak ko pero mas lalo lang yun nagging malinaw.





Paano mo ba kakalimutan ang isang taong minahal mo ng totoo? Yung taong handa mo nang seryosohin at handa mo nang subukang makasama ng pang matagalan?




Paano ko ba siya kakalimutan kung sa maikling panahon naming magkakilala at magkausap ay naging totoong masaya ako? Isang bagay na hindi ko kahit kelan naranasan sa iba?





Pano ko kakalimutan yung taong alam ang bawat sagot sa mga tanong ko? Alam ang bibitawang salita pag hindi ako okay? Yung andun nung panahon na nasasaktan ako? Yung handa akong damayan kahit magdamag para lang maging maayos ako?


Sumuko na ako sa pag tulog at umupo sa kama. Kinuha ko yung phone ko mula sa ibabaw ng side table bago lumabas ng kuwarto papunta sa swimming pool tapos tinitigan ko lang dun yung kulay blue na glow na pinu-produce nung ilaw at nung pool sa paligid.








Umupo ako sa gilid at nilubog yung mga paa ko sa heated pool bago ko binuksan yung phone ko.









Dating gawi.









Sinimulan kong basahin yung convo namin mula sa umpisa.





Napapangiti pa din ako sa mga kulitan namin noon. Sa mga sweet messages na ilang araw ko nang binabalikbalikan. Sa mga tampuhan tapos lambingan pagkatapos.









Hanggang sa pinakahuling message na nareceive ko muna sakaniya.









Itigil na lang natin 'to. Kung ano man itong meron sa atin. Pagod na ako, Vice. Pagod na ako sa ganito.









Tila naririnig ko pa yung boses niya na sinasabi din yun saakin nung gabing yun.









Ano bang problema ko. Bakit ko ginawa yun sakaniya?









Flashback......

"Oopppss! Tama na yan. Tara na."

Mahinang tapik sa balikat ko ang kasunod ng mga salitang yun. Pilit inabot ni Jackie yung baso mula sa kamay ko pero inilayo ko yun sakaniya at tsaka mabilis na ininom ang laman nun.








Mahinang pag batok naman ang kasunod kong naramdaman bago ako natatawang lumingon sakaniya.









"Tumayo ka na jan. Isa."

Nakakunot ang noong sabi niya saakin kaya naman tumayo na ako bago kinuha yung jacket ko na nakasabit sa likod ng upuan.





"Opo, nay. Tara na nga. Iinvite, invite ka sa party tapos ayaw mo din naman ako painumin."

PlaylistWhere stories live. Discover now