The Last Time

219 9 30
                                    

Vice's POV

Masakit sa balat ang patak ng malakas na ulan na sinasagasa ko habang minamaneho ang motorsiklo ko. Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil pinalabo nun ang visor ng suot kong helmet.

Hindi ko ramdam ang lamig o ang lakas ng hampas ng hangin sa katawan ko at hindi ko din alam kung saan ba ako papunta.




Isa lang ang nangingibabaw na pakiramdam saakin ngayon.




Gusto kong lumayo. Gusto kong tumakbo. Layuan ang mga bagay na nagpapahirap saakin, mga bagay na gumugulo sa isipan ko.





Iwanan ang mga tao at feelings na hindi ko maintindihan.







Sa ngayon ako lang ang mahalaga.






Sarili ko lang at wala nang iba pa. Wala akong pakialam kung may masasaktan ako o may maiiwanan ako.





Gusto ko lang ayusin ang sarili ko.




Dahil hindi ako maayos.






Huminto ako sa harap ng isang pamilyar na bahay. Nakasindi pa ang mga ilaw nun at alam kong andun siya sa loob.





Nag-alis ako ng helmet at bahagyang inayos ang buhok kong basang basa pa din dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan.






Hindi ko pa pinatay ang makina ng motor. Nanatili akong nakaupo dun at nakatitig sa bahay na nasa harapan ko.





Hindi ko alam kung bakit ako nandito at bakit nanaman ako bumalik.


Paulit-ulit.




Pabalik-balik.




Patuloy ko lang siyang nasasaktan.





Ito na yung huli.



Sabi ko sa sarili ko. Pumikit ako kasabay ng pag-dama sa malamig na hangin at sa patak ng ulan. Huminga ako ng malalim.





Sa isang iglap nagbago ang lahat.



Sinariwa ko ang bawat oras at minuto naming magkasama. Yung saya at mga ngiti. Yung malalim na emosyon na pinag-sasaluhan namin, kahit walang nakakaintindi kundi kami lang.





Yung mga oras na siya yung tinatakbuhan ko pag may problema ako tapos isang ngiti niya lang saakin o marinig ko lang yung boses niya, okay na ako. Masaya na ako ulit.




Sa kabila ng lahat ng pinakita niyang mabuti saakin, wala akong ibang naiganti kundi sama ng loob.




Napakuyumos ako ng kamao habang sabay sabay na bumabalik sa ala-ala ko yung mga away namin, yung mga hindi pagkakaintindihan. Na palaging nauuwi sa pag alis ko, sa pag iwan ko sakaniya habang umiiyak siyang mag-isa.






"Tang ina. Kakaibang klaseng gago ako."

Kasabay ng pag buhos ng ulan ay ang pagbuhos ng mga luha mula sa mga mata ko. Ilang minuto ako sa ganung kalagayan hanggang sa mapagpasyahan kong alamin kung andun nga ba siya.




Nanginginig mula sa lamig at sa kaba kong pinindot yung door bell ng front door. Ilang minuto bago dahan dahang bumukas yun.






At ngayon nakatayo na siya sa harap ko. Parang nagdesolve ang buong paligid at buong atensyon ko ay natuon sakaniya.





Sa mga mata niya.




PlaylistWhere stories live. Discover now