Promise

271 11 10
                                    

3rd Person's POV

Maingay sa loob ng isang Irish pub nung gabing yun dahil St. Patrick's day. Hindi magkanda-mayaw sa pagkanta at paginom ng Guinness ang mga nandun.

Parang autumn ang loob ng pub dahil majority ng mga andun ay Irish na redheads.


"Napapaligiran nila tayo."

Natatawang sabi ni Madc sa kaibigang si Jackie. Sila lang kasi ang Asian sa lugar na yun tapos nasa gitnang table pa sila. Kinuha naman ni Jackie yung malaking beer mug niya na naglalaman ng almost black colored na beer at itinaas iyon.




"Para saating apat at sa mga tao sa paligid natin na hindi tayo naiintindihan!"

Natatawang sabi niya. Agad namang nakipag-toast sakaniya yung mga kasama niya sa table at sabay sabay din silang uminom mula sa naglalakihan nilang beer mugs. Sabay sabay na binaba ang mga yun sa table at sabay sabay ding napangiwi sa pait ng alak na ininom nila.







"Pfft! Beer ang tawag nila dito? Ewww. Diesel to sa Pinas. Ang pait."

Sabi ni Melvie bago pailing-iling pang kumuha ng baso ng tubig at ininom yun. Nagtawanan naman ang mga kasama niya sa table.






"Girl, parang di ka pa sanay. Nung nasa Australia nga tayo sari saring lasa din."

Sabi ni Anne with her Aussie accent. Apat na magkakaibigan na nagkakilala lang sa dahil napasama sila sa isang tour noon. Pare parehong may passion for travelling kaya nagkasundo kaagad.








"Atleast dun masarap yung iba. Pero ito! Urgh."

Sabi ni Madc sabay tulak ng mug niya papunta sa gitna ng table na inuukupa nila. Tinuon niya ang pansin niya kay Jackie na parang may hinahanap na kung ano sa crowd. Mahina niyanh siniko sa tagiliran ang kaibigan kaya napalingon ito sakaniya.









"Sino hanap mo? Wala kang kakilala jan. Maniwala ka sakin."

Pabiro niyang sabi sa kaibigan na napakurapkurap lang as if in trance. Maya maya pa ay natawa nalang ito.







"Sira. Naaamaze lang ako, parang lahat sila magkakakilala oh. Nakakatuwa."

Sabi ni Jackie sabay nguso sa crowd. Nilibot naman ni Madc ng tingin ang pub. Tama nga ang kaibigan, lahat ng andun ay naguusap na para bang reunion yung napuntahan nila tapos nag gate crash lang sila. Mejo maingay pero hindi nila halos maintindihan yung accent ng mga andun. Kailangan pa nila si Anne para itranslate yung mga sinasabi ng nakakausap nilang Irish.







"Bukod sakaniya. Ayun oh! Mukhang Pinoy!"

Sabi ni Melvie sabay kalabit kay Madc at nguso sa isang lalakeng nakaupo sa dulo ng bar. Sabay sabay nilang tinignan yung lalake. Nakasuot siya ng kulay itim na turtle neck sweater na pinaibabawan niya ng midnight blue na coat. Itim din ang pantalon na suot niya pati ang boots. May isang baso ng hard liquor over ice sa harap niya.







"Oo nga no. Itim ang buhok eh. Pero parang Korean yung pormahan. Emo na Korean, ganun."

Sabi ni Madc habang hinihimas pa ang babae. Biglang tila nagkaroon naman ng idea si Anne at excited na naglean sa table para sabihin ito sa mga kaibigan.








"Rock, paper, scissors! Kung sino matalo, siya ang lalapit at kakausap. Dali!"

Sabi niya sabay lagay agad ng nakakuyumos na kamao sa gitna ng table. Umismid lang yung tatlo bago nilagay din sa gitna ang mga kamao.






PlaylistWhere stories live. Discover now