Happier

238 10 29
                                    

Yung kasunod ng letting go.
Yung maging happy tayo para sakanila kasi nga Happier na sila ngayon hahaha.
Daming keme.

Dalawa na yung Happier sa Playlist. Pinagbigyan ko lang talaga yung nagrequest. 😁

-------------
Vice's POV

Dalawang buwan, labing-isang araw, limang oras at labin-limang minuto mula nung nag hiwalay kami ni Jackie.

Aminado naman ako, ako yung nagkamali. Nasaakin ang problema at wala sakaniya.


Dalawang buwan.

Maingay na nung sa loob ng bar kung nasan kami dahil biyernes at walang pasok bukas. Inaya ako ni Vhong para daw subukan ulit yung gaya ng dati. Hanap ng prospect, kaunting small talk tapos baka daw dito ko na mahanap yung ipapalit ko kay Jackie.


"Pst. Brad, ayun oh! Ang ganda. Sexy, matangkad tapos maputi. Dali lapitan mo!"

Tapik ni Vhong sa balikat ko habang nakanguso sa direksyon ng babaeng sinasabi niya. Tinapunan ko ng tingnin yung babae, oo, maganda siya. Kung yung normal na ako lang ang nakakakita sakaniya malamang hindi na ako kailangan pang pilitin ni Vhong na lumapit. Pero iba na kasi ngayon.




Iba na kasi mula nung minahal ko si Jackie. Inalis ko ang tingin ko sa babaeng sinasabi ni Vhong at uminom nalang ng beer mula sa bote na hawak ko bago nilibot ng tingin yung paligid.


Makulay ang ilaw, maingay ang music at napakaraming taong sumasayaw habang nakangiti sa dance floor. Mukhang masaya silang lahat sa mga kasayaw nila at kausap. Bumuntong hininga ako bago sana magbawi ng tingin pero nahagip ng mata ko yung kaisa-isang taong gusto kong makita.


Si Jackie.

Nakatayo sa bandang gilid ng dance floor. Tinatamaan ng ilaw na paiba-iba ng kulay. Hindi ko masyadong maaninag ang suot niya pero alam kong dress yun. Nakalugay ang wavy niyang buhok habang napakaganda ng pagkakangiti.


Napasimangot ako nung mapansin na may kasama siyang lalake. Dikit na dikit ang mga katawan nila habang naguusap. Napadiin ang hawak ko sa boteng hawak ko nung makitang bumulong yung lalake sa tenga ni Jackie na naging dahilan ng paghalakhak nito.

Malayo sila saakin pero dahil kabisado ko na si Jackie, parang narinig ko pa din yung tawang yun. Uminom ako muli ng beer habang hindi pa din inaalis ang tingin ko sa dalawa. Napalunok ako in the hopes na mapigilan ko ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata ko.



"Ang saya niya, Vhong oh."

Mejo garalgal ang boses na sabi ko. Alam kong kanina pa din nakatingin si Vhong sakanila pero hindi lang kumikibo. Inakbayan ako ng katabi ko pero hindi ko siya gaanong pinansin. Nanatiling nakatingin lang ako sa dalawang taong tila masayang masaya sa gilid na yun ng bar, habang ako, andito.


Kinukumpara yung mga ngiting yun sa mga ngiti ni Jackie nung ako pa ang nagpapangiti sakaniya. Napayuko ako nung maramdaman ang tuluyang pag patak ng mga luha mula sa mga mata ko. Agad kong pinunasan iyon tapos ininom ng deretso yung laman ng boteng hawak ko.



"Tara na. Dun na lang tayo sa condo ko, atleast dun walang masakit sa mata."

Sumisinghot na sabi ko kay Vhong na agad namang tumalima at nagbayad muna bago tumayo. Nagpatiuna ako palabas ng bar habang iwas na iwas na masulyapan manlang sila ulit.


Tahimik lang akong nakaupo sa sulok ng condo ko habang nag-aayos si Vhong sa kusina. Naririnig ko yung kalansing ng mga kubyertos at alam kong si Vhong ang nandun pero sa isip ko, iba ang larawang tumatakbo.


PlaylistWhere stories live. Discover now