25 Minutes

261 8 8
                                    

Vice's POV

Kasalukuyan kaming naka-upo ni Vhong sa loob ng paborito naming ice cream parlor at nagkukwentuhan tungkol sa mga kaganapan sa buhay namin ng buong linggo.

"So ano ngang nangyari?"

Pangungulit ko sakaniya tungkol sa project na hawak niya na malapit sa puso ko. Napakamot lang siya ng ulo dahil pang apat na beses ko na itong tinanong sakaniya, paano naman palagi niyang iniiba yung usapan.


"Natapos ko na yung plano, natapos ko na lahat. Naisubmit ko na sa boss ko for approval. Tigilan mo na ako. Ayoko na pagusapan."

Mejo naiinis na niyang sabi. Umiling nalang ako ng kaunti bago sumubo ng frozen yogurt na may kiwi tsaka ulit nagtanong.



"Naapprove na ba?"

Pangungulit ko. Nilakihan nalang ako ni Vhong ng mata tsaka sunod sunod na sumubo ng froyo. Halatang ayaw na talagang pagusapan pa. Bumuntong hininga ako bago nagisip ng mapaguusapan pero wala akong maisip bukod sa building na yun.

"Oh, so ano nalang paguusapan natin?"

Natatawang sabi ko bago ulit sumubo ng froyo. Bumuntong hininga si Vhong at lumunok muna bago inilibot ang tingin sa paligid tila naghahanap ng pwedeng gawing topic.




"Kahit ano lang basta wag na yun. Tuyong tuyo na utak ko sa project na yun, wag mo nang dagdagan pa."

Sabi niya habang palinga-linga pa din sa paligid. Nasa tapat ko siya at ako naman ay nakatalikod sa entrance. Narinig kong tumunog yung wind chimes ng pintuan kasabay ng pagsunod ng mga mata ni Vhong sa kung sino man ang pumasok.




"Ayun! May mapaguusapan na tayo!"

Pabulong na sabi niya sabay kalabit pa sa braso ko. Kinunutan ko siya ng noo. Alam ko na yung mga ganung tono niya eh.




"Pag babae nanaman yan, Vhong, wag nalang."

Sabi ko sabay kuha ng isang piraso ng dried cranberry mula sa bowl ko tapos ko yun pinitik sakaniya. Tumama naman yun sa pisngi niya kaya napatingin siya saakin.




"Hindi. Lalake to brad. Pramis. Lalake."

Sabi niya sabay nguso sa mga bagong dating na nakatayo na ngayon sa harap ng counter. Mejo mataas ang likuran ng upuan sa booth na kinauupuan namin kaya kailangan ko pang tumayo ng kaunti para masilip yun.


"Tang ina! Gagu ka!"

Galit na bulong ko sakaniya sabay tago sa likod sandalan ng upuan. Binato ko ulit siya ng cranberry. Gusto ko nang umalis kaagad ng mga oras na yun.


"Ano? Bakit nanaman ba?"

Sabi ni Vhong sabay yuko din ng kaunti na parang nagtatago din. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako sumagot.


"Tang ina ka, si Jackie yun eh! Sabi mo lalake. Gagu mo!"

Inis na sabi ko bago siya binato ulit ng cranberry. Naiwasan niya naman yun this time bago niya ulit sinilip si Jackie tapos natatawang bumaling saakin.


"Baliw. Eh yung lalake nga kasi ang una kong nakilala. Anak yun nung boss kong wala nang ibang ginawa kundi ireject yung mga pinapass ko sakaniya."

Bulong ni Vhong. Para kaming mga criminals na nagbubulungan ng mga oras na yun. Napailing nalang ako bago kinuha yung bowl ko ng froyo tapos tahimik na kumain habang nagtatago pa din.



"Jackie. Teka! Naalala ko na. Siya yung ex mo na ghinost mo! Diba? Yung ni hindi mo brineak basta mo nalang iniwasan!?"

Mejo malakas na sabi ni Vhong na nagpalingon sa ibang mga customers. Gusto ko siyang sakalin hanggang lumuwa yung mga mata niya sa ginawa niya.



PlaylistWhere stories live. Discover now