Imagine

339 21 26
                                    

Vice's POV

Naalimpungatan ako sa init ng sikat ng araw na tumatama sa hubad kong katawan. Kinusot ko yung mga mata ko bago nag-inat at tinignan yung paligid.

Wala nanaman ako sa sarili kong bahay. Napangiti ako bago sinulyapan yung magandang babaeng mahimbing pang natutulog sa tabi ko. Nakadantay pa sa katawan ko ang isang braso niya.

Hinawi ko ng kaunti yung buhok niya na bago ko siya hinalikan sa noo. Nahagip ng mata ko yung digital alarm clock ko sa side table.

11:00am

Late na pala pero ayos lang Sabado naman at wala kami parehong trabaho. Maingat kong inalis yung braso ni Jackie na nakayakap saakin at dahan dahang tumayo mula sa kama para maghilamos sa cr.

Gaya ng nakagawian ko na tuwing Sabado at Linggo ay dumeretso ako sa kusina para mag-prepare ng agahan.

"Hmmm. Bango naman niyan, baby."

Napalingon ako sa babaeng bigla nalang sumulpot mula sa kung saan at yumakap sa bewang ko. Napangiti nalang ako. Ang sarap talaga sa pakiramdam nung mga ganitong moments.

"Naman. Kasing sarap nung ginawa natin kagab-- Aray!!"

Sabi ko dahil bigla nalang niya akong kinagat sa braso. Nanggigil nanaman. Narinig kong tumawa siya bago bumitaw ng yakap saakin at naglakad palayo. Agad ko naman siyang sinundan at binuhat bago kinagat din playfully sa may balikat.

Imbes na mainis ay lalo siyang humagikgik. Natawa nalang din ako bago ko siya ibinaba pero nanatili akong nakayakap patalikod sakaniya.

"I love you."

Bulong ko. Umikot siya paharap saakin at tinitigan ako sa mga mata habang nakangiti. Kinulong niya sa mga palad niya yung mukha ko bago ako saglit na hinalikan sa mga labi.

"I love you too pero yung niluluto mo sunog na."

Sabi niya sakin sabay tulak ng kaunti sa dibdib ko. Dun ko lang naalala na nagluluto nga pala ako. Mabuti nalang at mahina lang yung apoy at hindi naman nasunog.... Masyado.

"How's your week?"

Tanong ko habang kumakain kami ng brunch sa may gazebo sa garden ng bahay niya. Every weekend lang kami nagkikita dahil sa busy na schedule namin. Siya sa mga kasong hawak niya at ako naman sa pagmama-nage ng family business namin.

Uminom muna siya mula sa baso ng fresh orange juice na ginawa ko din para sakaniya bago nagsalita.

"Haay naku. Ano pa nga ba, puro stress nanaman inabot ko sa mga clients ko. Yung isa gusto na mag-plea ng guilty. Yung isang witness ko, nalaman kong nagsinungaling sa affidavit niya. Pag ako natalo sa kaso dahil dun, papatayin ko yun eh."

Mejo inis niyang sabi. Natawa naman ako. Dapat talaga di na ako nagtanong eh.

"Sana manalo ka. Ayokong sa kulungan tayo magpapakasal kung sakali man na mapatay mo talaga siya."

Biro ko bago uminom ng kape. She just rolled her eyes at me bago nangalumbaba sa table at tumitig saakin. Bigla naman akong naconcious sa ginawa niya.

"May dumi ba ako sa mukha o nagagwapuhan ka nanaman saakin?"

Biro ko na hindi niya naman sinagot. Kinuha niya lang mula sa ibabaw ng mesa yung phone niya tapos kinuhanan ako ng picture. Lalo naman akong naconcious.

"I just want the world to know that I have a gorgeous boyfriend and that I love him."

Sabi niya habang may parang nagtatype sa phone niya. Natawa ako pero sa totoo lang kinilig ako. Hindi ko tuloy naiwasan na mapatitig sa babaeng kaharap ko. I keep on asking myself, ano bang nagawa kong tama sa mundo to deserve a woman like her?

PlaylistWhere stories live. Discover now