Endless

363 11 17
                                    

3rd Person's POV

Naglalakad si Vice sa isang madilim na eskinita sa City of Love. Malamig ng mga oras na yun pero tila hindi niya alintana dahil tanging asul na pull over shirt, jeans, itim na sneakers at itim ding baseball cap ang suot niya. Nakapamulsa siya habang prenteng naglalakad.











Huminto ito sa harap ng isang lumang building at humarap sa kahoy na pintuan nun bago hinaplos ang nakaukit na mukha ng leon doon.










"I miss you, my love."











Bulong niya bago tahimik na itinulak ang pintuan at pumasok bago tahimik na sumara ang pintuan na para bang walang gumambala dito.










Samantala...

Nakaupo si Jackie sa harap ng Vanity mirror sa loob ng isa sa mga tents na naka-tayo sa likod ng malaking malaking stage na pag-gaganapan ng music festival.











"Grabe! Hindi ako makapaniwala, Jackie! Pangarap lang natin to noon!"













Excited na excited na sabi ni Melvie, yung bassist nila na noon ay nag-aapply ng lipstick. Nasa tabi naman niya si Madc, yung leadista nila na kanina pa nakatingin sa cellphone niya at tila may hinihintay.











"Oo nga pero yung vocalist natin parang gusto pa ata mag-no show. Asan nanaman ba yun? Lasing nanaman ba kagabi?"














Mejo inis pero halatang sanay na na sabi ni Jackie, ang drummer ng banda. Sinipat niya ulit ang sarili niya sa salamin bago hinarap yung dalawa. Halos hindi sila naka-tulog dahil sa excitement, paano naman kasi, ilang taon na nilang pinapangarap ito.











Maging parte ng pinaka-malaking music festival at tumugtog sa stage kung saan din tutugtog ang mga bandang iniidolo nila mula pa noo.











"WHAAAATT!?"













Inis na sabi ni Madc habang gigil na gigil sa pagtipa sa phone niya. Nagtinginan naman si Melvie at Jackie at sabay na nagkibit balikat.











"Jackie, mukhang ikaw ang magvovocals ngayon. Melvie, ikaw sa drums. Yung vocalist natin hindi darating."












Inis na inis na sabi ni Madc. Sabay namang napabuntong hininga yung dalawa bago sila nagtinginang tatlo. Napasapo naman si Jackie sa ulo niya sa pagkadismaya.











"Pumarty nanaman, no? Tapos may hang over nanaman! Sa araw pa talaga na to."













Badtrip na badtrip na sabi ni Jackie bago ibinalik sa lalagyan yung kulay black and gold niyang drum sticks. Nag-nod lang si Madc at nagkibit balikat bago naunang lumabas ng tent. Wala namang nagawa yung dalawa kundi sumunod nalang.












May ilan-ilan nang tao sa grounds nun kahit mejo maaga pa. Nagsulputan natin ang mga food tent sa magkabilang gilid ng stage na nagpakulay sa paligid. Nilingon ni Jackie ang malaking stage kung saan sila mamaya tutugtog at napangiti siya.












"Finally. Andito na ako."













Bulong niya habang hindi namamalayan na may isang nilalang na kanina pa siya pinapanood habang malungkot ding nakangiti.












PlaylistWhere stories live. Discover now