Decode

216 11 12
                                    

Vice's POV

Sabog.

Iisang salita na pupwedeng mag-describe sa nararamdaman at kalagayan ko ngayon. Wala pa akong matinong tulog dahil ni-rush kong tapusin yung benteng plates ko para sa Techdraw subject ko ngayong umaga. Last day na kasi ng submission at alam kong babagsak ako pag hindi ko maipass ang mga ito.

Hindi pa naka-tulong na malamig ang klima dito sa Baguio kung saan ako nag-aaral at 7am yung oras ng subject na yun.

Paakyat na ako sa main gate ng University nung biglang may umakbay saakin. Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman na si Jackie yun. Yung bestfriend ko.

"Urrrggghhh. Ang bigat na nga ng pakiramdam ko dahil sa puyat lalo mo pang pinapabigat."

Sabi ko sakaniya. Narinig kong tumawa lang siya bago bumitaw at umangkla sa isa kong braso dahilan para dumulas mula sa balikat ko yung plate tube na nakasukbit dun. Mejo mabagal talaga ang utak ko ngayon dahil imbes na maagapan ko ang pagkahulog nun ay pinanood ko lang na tuluyan itong nahulog at nagpagulong gulong pababa ng hagdan ng main gate hanggang sa tumigil sa harap ng isang pares ng kulay itim na leather boots.

Napatingin ako sa mukha ng nagmamay-ari nun, isang babaeng mukhang masungit pero magandang maganda. Naka-suot ito ng all black ensemble. Di ko alam kung rakista o emo o both pero mejo kinilabutan ako sa tingin niya saakin. Nagmamadali kong hinablot yung tube ko bago hinila si Jackie papunta sa building ng nagiisang taong kilala ko na perfect.


Si Waldo.


Perfecto.




"Shit!"

Mahinang sabi ni Jackie habang nakaupo sa harap ng drawing table. Wala pa si yung professor namin nung nga oras na yun. Inilapag ko ang mga gamit ko sa table bago siya nilingon. Hawak niya yung tube niya pero walang kahit anong laman yun.




"Oh! Asan yung plates mo?"

Tanong ko sakaniya. Napahilamos siya ng kamay sa mukha niya bago pabalibag na ibinaba yung hawak niya sa ibabaw ng table.





"Naiwan ko sa dorm. Tanga ko. Ang tanga! Jackie!"

Inis niyang ibinalik ang mga gamit sa backpack at akmang lalabas na sana ng room nung bigla namang pumasok yung prof namin kaya napahinto siya. Tinignan niya ako in defeat bago muling tahimik na pinagalitan ang sarili.





"Okay! Submit your works!"

Sabi ng prof namin bago ito humarap sa white board para magsulat ng kahit ano. Tinignan ko si Jackie bago ako sumenyas sakaniya na ako nang bahala. Mejo mainit kasi ang ulo ng prof namin sakaniya nitong mga nakaraan dahil palagi siyang late mag-submit. Nagtaas ako ng kamay pag harap ni Prof at agad naman niya akong nakita.



"Yes, Mr. Viceral. Anong problema?"

Tanong niya. Nakangiti siya kaya nawala ng kaunti yung kaba ko. Sinulyapan ko ng kaunti si Jackie na hindi mapakali sa kinauupuan niya bago ako nagsalita.




"Sir, naiwan ko sa dorm yung plates ko. Hindi ko po ata nailagay kanina nung natapos ko. Pwede ko bang balikan lang saglit?"

Mejo kinakabahang sabi ko. Nasa loob lang naman ng Campus yung dorms kaya madali ko yung mababalikan. Nag-isip siya saglit bago nagsalita.



"Okay. Go. Pero it's your fault kung hindi mo matapos tong plate today."

Sabi niya. Napalunok ako at napatingin kay Jackie. Ngumiti ito ng alanganin bago tumang. Nakuha ko nakan kaagad ang gusto niyang iparating. Tumango ako sa prof ko bago nagmamadaling lumabas ng room. Narinig kong nagpaalam naman si Jackie na mag-CCR kaya hinintay ko siyang makalabas.





PlaylistWhere stories live. Discover now