E. T.

367 14 0
                                    

Jackie's POV

"Sino daw?"


Nagtatakang tanong ko kay Madc dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Linggo kasi at wala namang nasabi si Tom na dadaan siya. Nagkibit balikat lang si Madc bago bumalik sa pagkakaupo sa sofa at kinuha yung bowl ng popcorn na nasa ibabaw ng center table.






Tumayo naman ako mula sa sofa at naglakad papunta sa pintuan pero sinipat ko muna yung suot ko. Loose na white shirt at maiksing shorts. Inayos ko ng kaunti yung buhok ko bago sumilip sa peep hole ng pintuan.






Bumungad saakin ang isang babaeng-





Teka lalake ata?





Binuksan ko nanga lang yung pintuan para mas makita ng maayos yung naghahanap daw saakin. Pagbukas ko palang ay agad na siyang pumasok sa pintuan na akala mo eh taga dito din siya.







"Antagal mo naman, kanina pa ako nakatayo sa labas ah. Hay!"








Napamaang naman ako sinabi niya. Baka nagkamali ng pintuang kinatukan?






"Ahhh. Teka teka, sino ka ba? Hindi naman kita kila--"








"Shhh. Hindi na mahalaga yan ngayon, Jackie. Ang mahalaga andito na ako. Your jowa. Kung ano man yun."








Mas lalo akong napamaang sa sinabi niya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng puting gown na palagay ko pag nakita ni Lady Gaga eh mahihiya ito. Kulay dilaw ang buhok niya na palagay ko ay wig at nakasuot siya ng sapatos na pagkataas taas ang takong.






Halos magbali na nga ang leeg ko sa pagtingala sakaniya eh.







"Ano- teka, jowa? May jowa na ako tsaka sino ka ba?"







Sabi ko habang nakahalukipkip sa harap niya. Mukhang hindi naman siya bothered kahit kaunti sa sinabi ko. Tinitignan lang niya yung mga kuko niya sa kamay na kulay pink.






"Details, details. Basta ako na ang jowa mo ngayon. Halika na, kakain tayo."








Sabi niya bago ako hinawakan sa kamay na agad ko namang binawi. Humalukipkip ulit ako bago nagsalita.






"Kung pinagtitripan niyo ako ni Tom, pwes hind uubra. Naiinis pa din ako sakaniya. Umalis ka na nga!"







Sabi ko sabay tulak sakaniya papalabas ng pintuan bago ko sinara yun, nilock at dinouble lock.






"Gosh. Nangyari ba talaga yun? Nababaliw na ata ako."





Bulong ko sa sarili ko. Agad kong kinuha yung cellphone ko na nasa ibabaw ng center table at nagtext kay Tom.









"Sino daw yun?"








Tanong naman ni Madc na hindi pa din inaalis ang mata sa pinapanood na Koreanovela. Bumuntong hininga lang ako bago binalik sa table yung cellphone at kinuha yung bowl ng popcorn na iniwanan ko kanina. Kumuha ako ng isang dakot sumubo ng ilan.









"Nagkamali ata ng pintuang kinatok eh. Mukhang paparty na ewan."









Pailing-iling kong sabi sakaniya habang ngumunguya ng popcorn. Sinubukan kong ibaling nalang ulit ang pansin ko sa pinapanood namin pero hindi mawala sa isip ko yung bab-- lala-- yung-- basta yung nakatayo sa harap ko kanina.









PlaylistWhere stories live. Discover now