8 Letters

309 9 0
                                    

Vice's POV

"Please, lubayan mo na ako. Hindi ako maayos ngayon, sasaktan mo lang sarili mo. Isa pa, bakla ako Jackie at babae ka."

Sabi ko kay Jackie habang nakaupo sa may pool side at nakalubog ang mga paa sa heated pool. Kausap ko siya noon sa phone habang langong lango nanaman ako sa kung ano mang iniinom ko kanina pa. Hindi ko na inantay pa na sumagot siya at basta nalang binaba ang tawag.







"Tss. Ano ba naman kasi yung babaeng yun, ako pa nagustuhan. Naguguluhan tuloy ako bigla. Urrrggghhh! Bakla ako. Bakla talaga ako. Bakla. Bakla. Nakakainis!!"

Napasabunot ako sa buhok ko pero wala kong nahawakan dun. Nakalimutan kong nagpa-buzz cut nga pala ako kanina sa downtown LA. Kung bakit? Hindi ko din alam, gusto ko lang ng panibagong ako, panibagong simula. Mga ganun.






Sa sobrang inis ko ay inilubog ko sa pool ang sarili ko at nanatili sa ilalim habang nakapikit. Pero habang nakapikit ako ay si Jackie pa din ang nasa isip ko. Bakit ko ba napasok tong kalokohan na to? Wala namang malisya dati eh. Simpleng asaran lang 'to noon.









Umahon ako at humiga sa pinong damo na nakapalibot sa pool at tumingin sa malawak na kalangitan na napapalamutian ng mga bituin. Ilang libong milya na ang inilayo ko kay Jackie pero hanggang dito siya pa din ang iniisip ko.








Flashback...

"Well, it was great 'til tonight."

Sabi ko sa nakaupong si Calvin. We were dating for just a year at aaminin ko umasa ako na magtatagal kami pero just like everyone else, andito siya sa harap ko asking me to let him go. I maintained a poker face. I will not go through this again.





Andito na ko sa posisyon na to noon at alam ko na ang gagawin ko pero tang ina, walang amount ng experience ang makakapag-pawala ng fact na sobra akong nasasaktan.












Tumayo siya mula sa love seat na kinauupuan niya at lumapit saakin akmang yayakapin ako pero pinigilan ko siya kaagad. Hindi na niya pinagpilitan pa at namulsa nalang habang nakatayo pa din sa harap ko.









"I'm sorry. For what it's worth, I loved you, Vice. Hindi lang talaga ito yung buhay na nakikita ko para sa future ko."

Sabi niya. I gritted my teeth para iwasan na may masabi pa akong masakit sakaniya. Pero punyeta siya mula ulo hanggang talampakan ng rubber shoes na suot niya na binigay ko sakaniya kahapon lang para sa monthsary namin. Imbes na magsalita ay tumango na lang ako bago tumalikod para umakyat sa kuwarto.










I dialled Vhong's number para ayain siya sa paborito naming bar. Ayaw pa nung una pero nung sinabi kong libre ko ay agad na pumayag. Hampas lupa talaga.







I took a quick bath bago nagpalit ng damit. Black na oversized shirt, sakto para sa namatay kong feelings para sakaniya at rider's jeans na ripped na pinaresan ko ng kulay puting sneakers. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.



"Mas gwapo ka pa dun eh. Tsaka mas malaki pa nga yung.."

Sabi ko sa sarili ko na nakatingin lang saakin. Bumuntong hininga ako bago naglakad palabas ng kwarto. Dinaanan ko muna yung susi ng kotse bago tuluyan nang lumabas.









Madilim na nun. Kasing dilim ng emosyon na nararamdaman ko ngayon. Kasing dilim ng budhi ng walang hiyang lalakeng yun. Akalain mo, jinowa ako tapos biglang sasabihin na hindi yun ang buhay na gusto niya sa future?






PlaylistWhere stories live. Discover now