Lunas

222 9 52
                                    

Vice' s POV

Three years ago...

Palinga-linga ako habang hawak hawak ang tray ng pagkain na inorder ko kanina.

Mga ilang minuto na rin akong nakatayo sa sulok ng fast food chain na pinasukan ko pero wala pa rin akong makitang bakanteng table.

Kanina pa nahahagip ng mata ko yung sign board kung saan nakasulat ang mga salitang "Share a table, win a friend." parang nagpaparinig lang eh.

Hindi naman sa mejo socially awkward akong tao pero parang ganun na nga.

Mejo nangangalay na ako sa pag tayo ng mga oras na yun kaya naman kahit hindi ko madalas ginagawa ay lumapit ako sa isang babaeng mag-isang nakaupo sa pang apatan na table sa bandang dulo ng pasilyo.

"Excuse me, miss. Ma-may kasama ka ba?"

Mahina kong tanong na nagpatingin sakaniya saakin. Napakurap siya ng ilang ulit bago tila nagising sa kung ano mang iniisip niya.

Ngumiti tapos umiling bago yumuko na parang nahiya rin siya.

Hindi ko alam kung bakit para akong kinakabahan eh ang gagawin ko lang naman eh uupo tapos kakain. Di naman required na kausapin ko siya. Di ba?

Bumuntong hininga pa ako kaunti bago umupo sa isang bakanteng upuan sa tapat ng bakante ring upuan sa tabi niya.

Tahimik kong sinimulan ang pagkain ng fries na sa tagal kong nakatayo kanina eh soggy na.


Nakailang piraso na ako ng fries nung biglang may napa - "Ay! Shit." sa kung saan kasunod ng biglang pag agos ng malamig na kung ano sa may legs ko na bigla namang nagpatayo saakin.


"Naku! Sorry. Sorry, hindi ko sinasadya!"

May pag-aalalang sabi nung babae na kashare ko sa table. Saglit akong natigilan dahil parang ngayon ko lang siya talaga nakita ng totoo.

Ang ganda niya eh.



Napakurap-kurap ako bago ko inalis saglit sa isip ko yung ganda niya. I mean yung itsura niyang maganda. Ah basta!


Kumuha siya ng ilang pirasong tissue mula sa tuyong parte ng table at agad yung inabot saakin.


"Pasensya na talaga. Sorry."

Paulit-ulit niyang sabi habang pinapanood lang akong pinupunasan yung basang pantalon ko. Tumango lang ako ng kaunti bago ngumiti sakaniya.

"Ayos lang, miss. Aksidente lang naman. Nangyayati talaga minsan."

Sabi ko habang pinupunasan pa rin yung part ng pantalon ko na nabasa. Hindi naman ganun kalaki ang parteng yun kaya hindi ako masyadong nag-aalala.

"Jackie. Sorry ulit."

Nakangiti at tila nahihiyang sabi niya. Napakunot noo naman ako.

"Ha? Ay, hindi. Hindi Jackie ang pangalan ko."

Huli na nung nagsink in saakin na pangalan niya ang sinabi niya at hindi ako ang tinawag niya sa pangalang Jackie. Nakagat ko yung pang ibabang labi ko bago hiyang hiya na kumuha ng walang kalatoy-latoy na fries at sinubo yun.


"Jackie po ang pangalan ko, kuya."

Mejo natatawang sabi niya. Natawa naman ako ng kaunti sa katangahan ko bago ulit nagsalita.

"Narealize ko nga. I'm Vice."

Sabi ko na lang sabay abot ng kamay ko sakaniya na siya namang kinamayan niya. Binalot kami ulit ng katahimikan matapos nun. Gusto ko pa siyang kausapin pero wala naman akong maisip na itanong o sabihin.

PlaylistWhere stories live. Discover now