Vincent

4.3K 192 5
                                    

20

DOMINIQUE

SEPTEMBER 2018

Dominique was busy discussing employee engagement with Daniel in her office when she heard a knock and Betty, her secretary, peeked inside smiling. Her eyes were teasing.

"What's up with her?" Dominique thought. "Yes, Betty?"

"Ms. Dominique, may dumating pong delivery para sa inyo," Betty said giggling.

"Delivery? I didn't order anything. Did you?" Dominique turned to Daniel, who looked up from the paper he's reading then shook his head and turned his attention back to the paperwork.

Tuluyan nang binuksan ni Betty ang pintuan ng office nya at tumambad sa paningin nya ang isang beautifully arranged big bouquet of roses and tullips, na dala-dala ng isang delivery boy.

Napaangat ng paningin ni Daniel. Tinapunan sya nito nang nanunuksong ngiti. Tumayo ito saka kinuha sa kamay ng delivery boy, na umalis rin agad matapos pumirma ni Dominique to confirm she received it.

Inabot ni Daniel sa kanya ang bulaklak. Tinignan ni Dominique ang maliit na card. When she saw the message, it made her smile and her heart started beating fast.

"Kanino galing?" Usisa ni Daniel. Maging si Betty ay excited malaman kung sino ang nagbigay ng mga bulaklak. Hindi nya magawang paalisin ang secretary nya dahil naging malapit sila nitong magkaibigan. Ito ang isa sa mga tumutulong sa kanya mula nang bumalik sya sa opisina.

Ibinigay ni Dominique ang card kay Daniel at sabay na binasa ng dalawa ang message. Betty almost squealed with delight. Daniel just smiled and seemed a little disappointed.

"For Dominique,

I hope I made you smile today.
See you soon."

Love,
Vincent

"Bumalik ka na sa trabaho. Hindi ka binabayaran dito para kiligin," nakataas ang kilay na sabi ni Daniel kay Betty, na ngumuso at napilitang lumabas ng opisina. Isa si Betty sa mga iilang nakakaalam ng gender preference ni Daniel dahil mapagkakatiwalaan ang dalaga. Daniel was a closet gay. "Ang haba ng hair mo ah," baling nito kay Dominique.

"Why are you disappointed?" Dominique asked.

"I'm not," tanggi ni Daniel saka kunwaring nagbasa ulit ng papeles. Hindi na lang nagsalita si Dominique. Inilagay nya ang flowers sa mesa ng sofa set nya. "Akala ko naman galing kay Pris," mahinang sabi ni Daniel. Nailing na lang sya rito. Naniniwala kasi itong sila ni Pris ang para sa isa't-isa kahit ilang beses na nyang sinabi ritong hindi sila pwede. "Nanliligaw na ba sayo si Vincent?"

"Anong nanliligaw ang pinagsasabi mo dyan? We just met two weeks ago."

Vincent was a very handsome wealthy business man and a philanthropist in his mid thirties. They met two weeks ago during a fun run organized by Encina Corporation for the benefits of Bantay Kalikasan Foundation. Vincent joined the run and Dominique met him when she almost stumbled while running. Natanggal kasi ang shoelace ng running shoes nya. Madadapa sana sya kaso buti na lang at nasalo sya ni Vincent who was running behind her.

Napatitig si Dominique sa gwapong mukha nito. He's got warm brown eyes, naturally kissable lips, high prominent nose and a cleft chin that remind her of...she shook her head. She shouldn't be thinking about her. "Thank you."

Lumuhod ang lalaki at itinali ang sintas ng sapatos nya bago pa nya ito mapigilan. "There. You'll be safe now." Ngumiti ito sa kanya at lumabas ang dimples nito sa magkabilang pisngi. Tumayo ito. "I'm Vincent Trevino."

Unwritten (Summer Of Taking Chances Sequel)Where stories live. Discover now