Birthday

5.5K 230 29
                                    

41
DOMINIQUE

Birthday na bukas ni Dominique at hindi pa rin sila nag-uusap ni Pris. Pinapadalhan sya nito ng bulaklak sa opisina everyday at nadi-disappoint syang hindi na ito mismo ang pumupunta para ibigay iyon. Lalo tuloy syang naiinis rito. Tinatawagan sya nito pero hindi nya sinasagot ang cellphone. Medyo malungkot na umuwi si Dominique ng Friday night.

Pagkatapos ng dinner, pumasok na agad sa kwarto nya si Dominique at nagbasa na lang ng libro para dalawin ng antok. Hindi na nya namalayang nakatulog sya. Nagising sya nang maramdaman nyang may humalik sa mga labi nya. Her body knew who it was. Without opening her eyes, Dominique responded to that gentle kiss. Hanggang sa maalala nyang, nagtatampo pala sya rito.

Nagmulat sya ng mga mata at itinulak palayo sa kanya si Pris, who's brown eyes sparkled with triumph. Alam kasi nitong nami-miss nya ito. "Anong ginagawa mo rito?" Inis kunwari nyang tanong at hinila ang kumot to cover her body, clad with flimsy lingerie.

Ngumiti si Pris at kinuha ang cake na ipinatong nito sa bedside table nya. Sinindihan nito ang kandila gamit ang dala nitong lighter saka inilapit kay Dominique. "Happy birthday!"

Napasulyap si Dominique sa wall clock nya. Saktong 12 midnight. Ibinalik nya ang tingin kay Pris, na noo'y hinihintay ang magiging reaksiyon nya. Kita nya sa mukha nitong miss na rin sya nito. Dominique closed her eyes and wished then blew the candle. Ibinalik nito sa sidetable ang cake saka sya nito siniil ng halik sa labi.

Dominique tried to push Pris away but she was stronger than her. Wala na syang nagawa. Her body didn't seem to follow her either. It was like her body had a mind of its own. Her body automatically answered to Pris. She found herself kissing her back.

"Naiinis pa rin ako sayo," Dominique murmured in between their kisses. She moaned when Pris started kissing her neck and playfully biting it. Before they could surrender themselves to passion, Pris stopped and hugged her tight. "I miss you," she whispered and snuggled to Pris.

"I'm sorry," Pris whispered back. "Tonight, I'll tell you everything."

"Okay," Dominique conceded. Alam nya sa sariling hindi sya nito niloloko. Naunahan lang talaga sya ng selos at galit. Ayaw na ayaw kasi nyang may nagsisinungaling sa kanya. "Can we have lunch later? Gusto kasi nina Mama na magfamily dinner kami kaya I want to spend my time with you before that."

"I can't," Pris said quietly.

Naramdaman ni Dominique na naiinis na naman sya. "Why?"

"I have an event the whole day. May photo shoot din ako with Georgina Wilson," paliwanag nito. Hindi nagsalita si Dominique. "But I want us to spend time together pagbalik nyo galing Tagaytay. I'll prepare something for you in my penthouse."

"Fine," medyo nagtatampong sabi ni Dominique. Alam naman nitong birthday nya, bakit pa ito pumayag sa event nito today? Mas importante ba yun kesa sa kanya?

"Huwag ka ng magtampo, please," masuyong sabi nito at binigyan sya ng marahang halik sa labi na agad nyang tinugon. Gusto na nya talagang pagalitan ang sarili dahil isang halik lang nito bumibigay na sya. "I'll make it up to you. I promise."

Buong magdamag sila nitong magkayakap na natulog. They also ate breakfast together bago ito umalis. Pupunta pa raw ito sa Studio 11 for an important meeting. Jessica, Kristine, Mary, Julia and Daniel each greeted her via text message. Medyo disappointed sya at hindi sya pinuntahan ng mga ito. Ni hindi man lang tumawag para batiin sya. Maybe they were all too busy to do that.

But her heart soared when Pris' gift arrived. Isang malaking kwadro na nababalutan ng gift wrap. When she tore the wrapper, it revealed her nude photo she saw at the academy. Hanggang ngayon, hindi pa rin sya makapaniwalang sya ang babaing nasa larawan. Tinawagan nya si Pris to thank her.

Unwritten (Summer Of Taking Chances Sequel)Där berättelser lever. Upptäck nu