Chapter 2: Old Photograph

122 4 3
                                    

I automatically rose up upon hearing the first knock on the door. Hindi ko na inantay pang umabot ito ng ilang beses bago ako tumayo at maglakad palabas.

The staff greeted me with a smile as usual and I did the same. She must have thought that I actually go to sleep last night. But no, I didnt.

Sinadya kong humiga at magkunwaring tulog sa aking higaan at inantay na madatnan niya ako sa ganung sitwasyon. Mahahalata na nila ako kapag ipinagpatuloy ko pa ang hindi pagtulog sa mga susunod na araw.

Sigurado akong walang nakakita sa akin na napulot ko ang singsing ni Meridith. Walang nakapansin sa akin na pumunta ako sa likod at lumapit sa pader.

Ito ang dahilan kung bakit sinadya kong magkunwaring normal pa rin ang mga bagay-bagay para sa akin. I was actually up all night, thinking about the mystery behind this ring and that scratches on the wall. I am beginning to have these doubts but I can't be obvious. I still had a lot to figure out so I maintain the usual setting.

Following this morning, I got out from my padded room and went straight to our large dining table. Sitting with my fellow patients, I waited for the food to be served and start the day with breakfast.

It seems like everything is normal and comfortable enough. Medyo nabawasan ang pangamba ko kaya tahimik na lang din akong kumain.

Pagkatapos ng aming almusal ay naglakad ako patungong main office. Nasa tapat pa lang ako ng pinto ay may sumaway na kaagad sa akin na nurse. I know we are not allowed to wander within this area.

" oh saan ka pupunta ? May kailangan ka ba ? "

He doesnt sound irritated and he  didnt have this doubting look too. Siguro nga dahil alam niyang may mga sira kami sa ulo na mga pasyente nila kaya alam niya sa sarili niyang mahaba-habang pasensya ang kailangan niya.

" Ah, wala naman. Naglalakad-lakad lang. Oo nga pala pwede ba akong magtanong ? "  magalang kong pakiusap.

" Oo naman. Ano ba yun ? "

I already studied this male nurse even before he approached me. Actually, I almost memorized all the nurses here and their particular positions. This one is often busy on internal instead of actual. I am absolutely sure he's working here for five years now.

" you know Meredith Abdon ? Yung naging malapit sa akin ? "

Sigurado akong naabutan niya pa si Meredith. Imposibleng hindi man lang sila nagkausap ni-minsan sa loob ng dalawang taon.

" ah oo naman. Mabait yun. Sayang nga at nag resign kaagad siya. Namimiss niyo ba siya ? "

I dont know if this is necessary but I just nod at him anyway.

" alam mo ba kung bakit daw siya nag resign ? " pagtatanong kong muli.

" hindi nga e. Nalaman ko lang nag file na daw siya ng resignation letter. Hindi ko na nga rin nakita yun bago pa siya nag file ng letter niya. Siguro nga na focus na lang siya sa pagpapamilya. "

Kung ganun wala din alam ang mga to. Pare-parehas lang kami na walang ideya.

" ganun ba. O sige salamat nga pala. Tama ka mukang namimiss ko na nga siya. "

Isang pilit na ngiti ang iginanti ko sa kanya bago nagpasyang tumalikod. Naglakad ako ulit at nagpa gala-gala sa buong asylum.

Bitbit ang aking libro ay napag desisyunan kong libutin ang buong building habang nagkukunwaring nagbabasa. I think I have no other choice.

Kung saan-saan ako pumupwesto upang magbuklat kunwari ng libro pero ang totoo ay pinag-aaralan kong mabuti ang lugar. Kung saan ang main office, ang storage room at pati na rin ang silid ng mismong nagpapatakbo nitong asylum.

L1-TS01BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon