Chapter 21: Rivals

49 2 7
                                    

" Ri, pa picture notes mo please. Kainis naman kasi si sir. Kagabi lang nag announce na may quiz pala ngayon "

Natataranta silang lahat ngayon dahil may pa surprise quiz si sir Ragodon. Hahaha. Kagabi lang pala nag announce si sir sa page namin na may quiz daw kinabukasan. Kaya inis na inis sila Tiana dahil mga 10 pm lang daw nag post si sir kagabi.

So pagpasok naming lahat kanina kanya-kanya ng review. I'm glad I am frequently browsing my notes every night before I go to bed. Kahit konti may natatandaan pa ako sa lecture namin last week. Pero napilitan din akong mag review ngayon dahil marami-rami ang tinuro ni sir.

Pero hiniram nina Tiana yung notes ko kaya tulala ako at nag self review na lang sa isip ko.

Hindi ko alam kung saan na nakarating yung notes ko. Pinagpasa pasahan na ata ng mga blockmates ko. When I decided to look for it, nakarating pa ako sa likod at kina Jayson ko na nakuha yung notes ko.

" ay sayo pala to River ? Uy thank you ha. Gago to sila Rayver sinulat sulatan nila ng kung ano ano oh "

" huy mga animal kayo kay River pala tong notes na to hahaha huy yari kayo diyan "

Nagkagulo sila bigla at nag sorry sa akin. I frowned at them though. Ano nanaman bang kalokohan nila dito.

Lumapit ako dahil may pilit silang binubura sa mga page ng notes ko. Karamihan kasi sa kanila laptop ang gamit or mga gadgets for taking down notes. But they are having a hard time looking for it on their documents or files.

Wala naman akong mga ganito nuon at nasanay ako sa asylum na papel at ballpen ang ginagamit. I must have gotten used to it thats why I am still using papers even in college.

Anyway, tiningnan ko yung ginagawa nila sa notes ko. I cant believe it.

" yan mga tarantado kayo ha, lagot kayo kay River. Palitan niyo yang notebook niya. Binaboy niyo na yan. "

Binasa ko yung nakasulat at napahawak na lang ako sa noo ko. Mga kalokohan talaga nila.

Rayver love Aralyne

Aralyne, are you free tonight ?

Bea, crush ka daw ni Jet.

Sa sobrang pagkagulat ko natawa na lang din ako. They are so childish. What the hell is this ?

" uy River sorry. Hindi ako ang nagsulat niyan. Tangina niyo ako tuloy tong nadamay sa inyo e. Sorry talaga River, papalitan ko na lang notebook mo bukas "

I dont know if I will to say something or nah. Ayos lang naman sa akin pero pinunit na lang sana nila kanina pa. I just want my note back.

Ibinalik nila sa akin yun na nagtuturuan kung sino bang nagsulat ng mga yun. May mga drawing pa sila.

Napadaan ako kina Aralyne kaya sumakay na lang din ako sa trip nila. Hahaha kala nila ha.

" Aralyne "

" oh, hi River. Ano yun ? "

" crush ka daw ni Rayver "

Nagtawanan kami ng mga kaibigan niya. Bigla ding nagtawanan sila Jayson duon sa likod dahil alam na alam nila na hindi naman ako kj. Hahahaha. We are all friends here in our class.

" yiieeee hahahaha "

" para namang tanga e "  sabi ni Aralyne habang tinatawanan namin siya.

Napatingin sina Tiana dito at nakisali din. Inasar asar namin sila ni Rayver. Crush nga ata talaga ni Rayver si Aralyne hahaha.

My classmates are so funny.

Dalawang subject ang tinapos namin ngayong umaga then nag lunch kami at 3:30 pa ang next subject.

L1-TS01BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon